Saturday, May 22, 2021
Sumama Siya sa Lakad ng Mga Ate
Hindi Ko Alam Ang Gagawain ko kapag Galit Ka Na
Gabi.
Maraming araw na ang lumipas. Maraming gabi na ang dumaan.
Si Eman ay masaya.
Si Eman ay maraming natutunan sa kanya.
Si Eman ay namamahangha sa kakayanan niya.
Gabi.
Sa gitna ng kwentuhan at gitna ng tawanan.
Biglang nagbago ang hangin.
Si Eman ay hindi mapakali.
Si Eman ay natahimik.
Si Eman ay kinabahan.
Nagalit ang kaibigan niya. May mga bagay na hindi nagustuhan ang kaibigan niya habang nagkekwentuhan sila. Nagbago ang kondisyon ng pangyayari. Pero hindi na iyon pag-uusapan.
Drop it.
Huwag nang pag-usapan. Pwede naman kinabukasan. Huwag ngayong gabi.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag galit ka na.
Tuesday, May 18, 2021
He Called Me BEBE and He Explained Why
Random night. Somehow we always text everyday. Pero nung last time na nagkachat kami. On the middle of conversation, nasabi nya na, "haha oo nga bebe".
Nagulumihanan ako. I was puzzled. Hindi ko alam ang irereply ko. Dami ko nang naisip. Na wrong send ba siya? May iba sigurong ka chat. O marami kaming kachat. Hindi naman niya ako tinatawag ng ganyan. Nalito na siya sa pag-uusap namin. Feeling ko tuloy parang ginugulo ko na lang siya. Parang papansin na lang yung dating ko. Kahit nagpapapansin naman talaga ako sa kanya.
Hindi na ako nagreply. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Kinabukasan. Nagmessage siya. Sabi niya, "ay tawa sa bebe, simba ko," lahat kasi ng kaibigan niya tawag niya bebe. Baka pati daw pati ang pari tawagin nyang bebe.
Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko.
Monday, May 17, 2021
My Five Days Quarantine
Pagkatapos ng meeting namin, tinawagan na namin yung guard para masundo na ang aming team sa COVID ward. Hinatid kami sa Loyola College of Culion. Pagkarating namin sa LCC, hindi pa namin alam kung saang kwarto kami papasok. Sinubukan lang namin na pihitin yung pintuan at ito ay bukas, pagkapasok namin ay kusina na agad. May dalawang kwarto. Sinubukan namin buksan ang pinto sa gawin kanan pero ito ay nakalock. Ang kwarto namin ay sa kaliwa. May maliit na aircon doon at malaking banyo. Kami ay nasa laboratory room ng LCC.
Kung susumahin lahat ng araw na magsstay kami sa LCC, nasa anim na araw. Unang gabi namin doon ay adjustment na naman. Labas ng mga gamit sa banyo, mga charger, mga pagkain. Ikot ikot sa paligid para maorient, so far okay naman, may tubig.
Anim na araw at limang gabi.
Napagusapan namin ni Mara yung tungkol sa pasyente namin na nagmental breakdown. Nagmessage kasi ang COVID ward na humingi siya ng pasenya at pasasalamat na rin dahil sa pag-alaga sa kanya. Pasenya kasi pakiramdam niya ang lahat ng pagod ay dama na niya at bilis ng mga pangyayari. Tinanong ko si Mara kung paano siya nakikipag-usap sa mga pasyente niya, kasi ako kapag pasok ako, magtatanong lang kung ano nararamdaman, magbibigay ng gamot, kukuha ng vital signs at aalis na. Hindi ko hinahayaan magtagal sa pasyente kasi natatakot din naman ako mahawa. At ayun nga ang sabi niya, minsan umuupo pa siya sa tabi ng pasyente at huwag daw kakalimutan ang touch, paghawak,paghipo o pagtapik sa pasyente, nakakatulong. Baka nakalimutan ko na iyon kasi dahil sa pagmamadali na matapos ang lahat ng trabaho. Salamat sa pagpapaalala. Napag-usapan din namin si plus one, baka daw icouncil nya din. Sabi ko huwag niyang gawin iyon. Nabanggit nya na baka nalilito pa lang siya sa sexuality nya dahil bata pa siya, kasi okay naman siya na sumama sa akin. Nakwento ko na din na magkasama kami sa Coron for like everyday of that certain week. Nasabi ko nga na what will be the next, hanggang ganun na lang ba? nasa getting to know pa rin nga. Hay naku. Daming kwestyon sa isip na walang kalakasang loob na itanong kay plus one. Walang label.
Nakagawa na kami ng kwento sa aming lahat. Kami ay ang fours sisters without a wedding. Si Mara si Teddy, ako si Bobby, pinili ko daw yung pinakamaganda, si Bea, Bea Bunda. Si ate Fatima si Gabby at si ate Lalang si Alex. Napagkatuwaan din namin ang mga pangalan namin na dapat ay full name ang gagamitin lagi at hindi nickname. Mara Megan, Maria Fatima, Perla at Manuel III. All of the things para mairaos ang araw. Tumatawag din ako kay Mommy kasi start na naman ng lockdown nila at surge nila sa Coron. Tuwing hapon nanan ay nagpapapawis naman ako dahil ako ay lumaki na naman.
Panghuling araw ay na swab kami. Tinusok kami sa bibig at sa dalawang butas ng ilong. Naluha talaga ako. Para akong maiiyak. Salamat na lang talaga at kami ay negatibo. Nakauwi na rin sa mga kanya-kanyang tahanan. At ako naman ay hindi pa makakauwi ng Coron.
Monday, May 10, 2021
How to be Unlikable
At first, I like you so much. Sobrang saya ko na kapag nakakachat ka, Suntok sa buwan kapag magchachat ako at aasang magrereply ka. It felt like happiness is within reach kahit na magkalayo tayo ng lugar. Ikaw ang so much awaited reply of the year. Ikaw ang so much awaited mag update ka naman. Ikaw ang so much awaited na kamusta ka. Ikaw ang oh my gosh gusto ko sya.
Pero ngayon napapaisip ako kung ano ba talaga? Ikaw lang naman talaga. Kaya lang, ako ba? baka hindi. Dahil wala akong alam sa iyo. Hindi naman ikaw ganoon ka open up. Ano bang gusto mo? Okay lang ba na tayo? Nalilito ako. Dapat nga clarify muna natin kung saan ba ako lulugar. Saan ba ako pupuwesto? Ano ba ako sayo?
Habang tumatagal, parang nawawala ang pagkagusto ko sayo. Parang nasasanay na lang ako na ganito na lang ang sitwasyon natin. Ano ba? Magtatanong ba ako sayo? Kaya lang natatakot naman ako na baka mawala. Baka hindi mapush. Hays. Nakaktakot.
Friday, April 30, 2021
Seventh Day of Duty
Biruin mo yun, nakapitong araw na ako. Ang bilis lang ng araw. Tapos na agad ang pitong araw na duty. Palitan na namin gn shift. Pang-gabi na ako. Mahaba ang off ko like 24hours.
The same of the usual duty. Palabas ng mga pasyente. Sana ay wala ng toxic na admission.
Puro kalokohan lang ginagawa namin sa mga kasama namin. Binibiro namin siya sa nangliligaw sa kanya. Parang matatapos ang pandemya na ito na may jowa na siya.
Chinat ko na din yung crush ko. Napapaisip tuloy ako kung ipupush ko pa ba? May patutunguhan ba? At hanggang kailan ito. Ang dami kong tanong. Masaya pa ba? O dahil nagrerespond lang siya kaya okay na. Hays. Mahirap ang walang label, walang clarity. Hindi mo alam kung san ka lulugar at kung ano ba talaga ang gusto mong gawin. Walang plano kung saan ba papunta ito.
Huling gabi ng duty. Nagtantrums ang pasyente. Post cesarean section ng postibo naming pasyente. Ang dami niyang complain, sa sarili, sa sitwasyon saka sa baby nya. Hinayaan ko siyang magverbalize ng mga nararamdaman niya. Kaya lang parang sumosobra na sya. Super nag na siya. Ayaw ko ng ganun. Pinapakalma ko siya pero clouded na yung utak nya sa mga nangyayari sa kanya. Humihinga lang ako ng malalim para ako naman ang kumalma. Nabibibwiset na ako sa kanya. Tumutulo na ang pawis ko sa buong katawan ko dahil sa hazmat. Basang-basa na yung boxer ko ng pawis. Panghuling duty ko na. Nainsertan ko na siya ng heplock at nagbigay na din ako ng paracetamol intravenous sa kanya para mawala ang kirot na nararamdaman nya. Nung kay baby na ako mag-iinsert mas lalong lumakas naman ang pagsasalita niya. Doon na ako nagdecide na tumawag ng SOS. Buti na lang at hindi pa tulog yung kasama ko. Nagaptulong ako pakalmahin ang nanay. Kinausap siya. Nilabas namin yung baby. Sa hallway namin ininsertan ng intravenous fluids. Kumalma ang nanay. Nawala ang lahat ng kirot. Pinalipat ko mula sa upuan niya papunta sa kama at daliang nakatulog. Hays. Kagigil.
Hinanapan namin ng gatas ang baby at mabuti mayroon ang milk bank ng NICU. Sa hallway namin nilagay ang baby para ma monitor. Pinapadede namin siya gamit ang syringe. Naransan ko din na magpadighay ng baby. Nilagay ko sa balikat ko siya para dumighay. Wala ako narirnig na dighay. Pagkapaharap ko sa kanya. Bigla siya dumighay sa harap ko. Ang cute. Pero medyo may kaba ako kasi nakasama na ng nanay na postibo ang baby. Naswab naman si baby at hinihintay namin ang result.
After endorsement ay natulog na ako. Pagkagising ko. Negative si baby sa COVID19. Hinga ng malalim at nagpasalamat kay Lord. Tapos na ang 14days duty namin ngayong buwan.
Monday, April 26, 2021
My First Three Days of Duty
April 23, 2021
Morning duty ako sa schedule ngayong April. Maaga pa ako nagising at plano ko na maglakad papasok sa ospital. Nadaanan ako ng ambulansya na nagsundo ng mga frontliners. Pagkapasok dito ay hinanda ko na talaga ang sarili ko para sa mga positibo na pasyente. Mapapalaban na talaga kami sa madaming pasyente. Nawa ay hindi na magkaroon ng surge ng pasyente at hindi na kami natoxic.
Endorsement na at para akong mag-iinformation overload sa mga endorsement na sinasabi nila. Madaming bilin at mga gagawin. Iniisip ko nga na mag meeting kami para maendorse lahat. Pero hindi nangyari. Sila ay umalis na ng tanghali, yung mga pinalitan namin. At ako ay natoxic na sa mga gagawin.
Unang gabi pa lang ay sumakit na ang ulo sa mga pangyayari. Kaya maaga ako natulog. Ang kapalitan naman namin ay nagkaroon ng mga admission. Hindi na ako nakatulong sa kanila. Sinulit ko ang tulog ko dahil alam ko na mapapalaban na naman ako kinabukasan.
Sumunod na araw ay adjustment pa din ng katawan ko sa duty, nagstart na din ako mag-exercise dahil mukhang lumaki na ako kakaluto ko ng pasta sa boarding house. Pinipigilan ko pa rin naman kumain ng kanin pero kapag hotdog at itlog ang ulam, parang nasasabik na ako kumain. Nagpadala pa ng chili sauce si Arcelie kaya naman ang gana ko kumain. Dapat itong mapigilan dahil lalaki ako at ayaw ko yun.
Sinuot ko na ang mga pantulog na binili ko kay DK para s komportableng pagtulog. Nagugulat ang mga kasamhan ko sa bago kong pantulog dahil dati yung luma kong pajama ang suot ko. Marami akong dala.
Ikatlong araw ay nakapag-adjust na talaga ako, parang bumagal na ang oras at pakiramdam ko ay marami na akong nagagawa.