Tuesday, June 8, 2021
Losing a Cellphone or Losing A Person?
Thursday, June 3, 2021
I Lost my Phone and I Think I Lost the Fight
I lost my Samsung S20plus in the deep blue sea.
Papunta pa lang kami ng Bayaca Pirate Island. Nakaearphone ako, nakikinig sa cellphone ko. Inabot sa akin yung chocolate candies. Iaabot ko sana sa mga bangkero. Tumanggi sila. Umikot ako para iabot sana sa kanila ang chocolate candies at may narinig ako nagbounce. May nahulog. Wala na ang cellphone ko.
Napahinga na lang ako ng malalim. Ayaw ko naman masira ang kasiyahan ng grupo kaya sinabi ko okay lang. Pero hindi ako okay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pagkatapos ng apat na night shift. Puyat yan. Wala na akong magagawa. Gusto ko maiyak pero di ko magawa. Natahimik na lang ako. Mabigat sa pakiramdam.
Pagkadating namin sa isla. Nabalita na agad sa kanila ang nangyari. Kinausap niya ako at nakikita daw sa mga mata ko ang lungkot. Niyakap niya ako. Pero mabilis lang iyon kasi maraming tao. Sinimulan na ang inuman. Pagkadating pa lang. Jose Cuervo. Coating my self with temporary happiness para makalimot saglit sa nangyari. Iniisip ko na dapat hindi mabahiran ng lungkot ang grupo dahil sa kapabayaan ko. Kapag tumahimik ako baka masira lang ang lakad.
Uminom. Kumain. Naglaro. Nagsiya.
Gabi. Nakainom na ang lahat. Tapos na ang mga palaro ng inuman.
Lumipat kami ng buhangin. Nakaupo kami lahat. Humiga ang isang doktora sa hita niya. Nasaktan ako. Gusto ko umalis sa sitwasyon pero di ko magawa. Hindi ko kayang magsabi na nasasaktan ako. Hindi ko kasi kayang gawin yun sa kanya. Gustong-gusto ko sana. Pero parang malalabag ko ang karapatan niya. Hanggang hawak lang nga ako sa tenga at buhok. Yakap nga parang patanong pa. Nasasaktan ako. Tinitignan ko lang siya. Siguro naman nararamdaman nya naman. Gusto ko siya pero di ko kayang ipaglaban. Wala akong karapatan. Hindi ako nagsasalita. Siguro may nakapansin at pinatayo nila ang doktora. Pero para sa akin, parang habangbuhay ang tagal ng pagkakahiga ng doktora sa hita niya at parang habangbuhay ang sakit. Umalis muna ang doktora at ako ay nagkipagkwentuhan na.
Hanggang sa tatlo na lang ang naiwan sa inuman. Paminsan-minsan ay umaalis ang kasama namin nung tatlo na lang kami. Meron kami maikling pag-uusap. Di ko alam kung ano ang tinanong ko pero sabi niya siya ay napainvolve na naman sa relasyon ng dalawang magkasintahan. Hindi na naman siya natuto. Tinanong ko kung totoo ba? Napahinga na lang ako ng malalim at nasabi ko sa sarili ko na "Shit Eman!" Nagbibiro daw siya. Naguguluhan na ako. Tinanong ko siya, "Alam mo ba na gusto ka ni Eman?" , "Ano nag stand ni Eman sa iyo?"
"Eman is a friend", sagot niya.
Friendzoned.
Tinanong ko siya kung magnapupusuan ba siya as of now. Wala.
Kinabukasan. Nag-open na daw ang biyahe sa Coron. Tinatawagan na rin siya ng company niya.
Magpapaiwan ako sa Bayaca at uuwi bago ako magduty. Pero uuwi siya ng Culion with his reasons.
Si Eman ay malungkot.
Si Eman ay kailangan ng umalis ng Culion.
Saturday, May 22, 2021
Nakasama Ko ang mga Kaibigan Niya
Kami ay nagdesisyon na babalik kami ng isla.
Si doktora, ako at siya.
Pagkauwi ko sa bahay ay nagmadali na ako na pumunta ng Palawan Pawnshop para magpadala kay mommy ng allowance. Manghihiram sana ako ng bike kay Amore pero dahil nga umulan at basa ang bike, pinahiram niya ako ng motor niya. Si Amore ay nagluluto ng carbonara at nagpasabay na din ng tinapay afetr ko magpadala kay mommy. Medyo matagal ang pila doon kaya parang di na din ako sigurado sa oras kung makakasabay ba ako.
Binalik ko na ang motor kay Amore. Nagsasalin na siya ng pasta sa sauce. Nagchat na Siya sa akin kung nasaan na ako. May lakad nga pala. Tinawagan ko siya. May nakasave naman pala ako ng number nya. Mas madali na kausapin siya sa number niya kaysa gumamit pa ako ng messenger. Sa bahay na nila kami magkikita-kita. Isasama niya ang dalawa niyang kaibigan.Magbabaon ako ng carbonara.
Nagmadali na ako mag-empake. Malapit na ang oras na kami ay aalis. Sumakay na ako ng tricycle at bumaba sa palengke. Nandoon na rin si doktora. Namimili siya ng kakainin namin sa isla. Limang araw ang usapan namin. Mahaba-haba din na araw yun. Marami rin kaming napamili. Medyo mabigat ang mga dalahin kaya pinalagay muna namin sa bahay Niya. Nandun na yung dalawa niyang kaibigan. Marami nang pinamili sa lamesa Nila. Dumudungaw ang aso niya sa akin at medyo hindi ako komportable kasi malaki at malakas ang tahol. Sinabi niya sa akin na maliit lang ang bangka. Nagtanong din siya kung natatakot ba ako. Mas natatakot ako sa aso niya. Gusto ko sana maglagi doon sa loob ng bahay nila kaya lang kailangan kong samahan si doktora na mamili. Pagkabalik namin sa bahay nila ay dumating na daw ang bangka. Naalala ko, wala pala akong towel na dala. Pinahiram niya ako ng face towel. Mabango.
Maliit lang ang bangka na sasakyan namin. Kulay pula. Nung oras na iyon ay may bibilhin pa ang bangkero kaya naghintay pa kami sa kaniya. Kasabay nun ay may pasyente na positibo na binababa sa kabilang tambakan.Nagtago ako pati si doktora. Baka mapansin kami ng aming mga kaempleyado at ma issue na aalis ng town proper. Hanggang sa sila na may pasyente ay nakaalis sakay ng ambulansiya kami naman din ay bumaba na sa bangka, nilagay ang mga gamit at naglayag palayo. Kasama ko na ang mga kaibigan niya.
Nasa bandang harapan ako, pangalawa. Maganda ang panahon. Banayad ang dagat. Walang hangin. Kalmada. Derecho ang biyahe. Kakwentuhan ko ang kaibigan niya. Si Jimi. Si Jimi ay malambot. Babad sa downy. Matagal ko na siyang kakilala, nakasama ko rin kasi ang pinsan niya na si kuya Jonathan nung college. Parte si kuya Jonathan ng team sa teamwork. Simula ng umalis kami sa town proper, nagkekwentuhan na kami hanggang na tumigil ang makina sa pag-andar sa gitna ng dagat. Kinukwento niya yung mga encounter namin before sa mga sayawan sa destino. At kami ay nakarating na ulit sa isla ng Bayaca.
Nakatayo pa rin ang mga tent na ginamit namin kahapon. Nagsabi si kuya Rex na sa taas, sa kwarto na lang niya kami matulog ni doktora. Pinahanda na rin niya ang isang kwarto para sa kanilang tatlo. Nagluto ng hapunan at kami ay kumain na. Nagbukas ng bote ng alak at kami ay nagkwentuhan ng mga kaibigan niya. Nagpaanod sa alak at mga kwentuhan. Kasama ko na ang mga kaibigan niya. Medyo kinakabahan ako kasi pakiramdam ko para akong estranghero na kasama nila. Paano kaya kung malaman nila na gusto ko yung kaibigan nila. Paano kaya kung makita nila na kinikilig ako sa kanya. Paano ko maitatago ang nararamdaman ko sa nandiyan sila. Medyo challenging ang mangyayari. Inantok na ako.
Umakayat na ako sa taas at gising pa si doktora at kuya Rex. Sila ay nagkekwentuhan. Nasa gitnang kama nila ako. Medyo sumabay ako sa kwnwtuhan nila pero nagpaalam na ako matulog. Sabi ko, orlogs na ako. At kami ay natulog na sa kawalan.
Sumama Siya sa Lakad ng Mga Ate
Monday, May 17, 2021
My Five Days Quarantine
Pagkatapos ng meeting namin, tinawagan na namin yung guard para masundo na ang aming team sa COVID ward. Hinatid kami sa Loyola College of Culion. Pagkarating namin sa LCC, hindi pa namin alam kung saang kwarto kami papasok. Sinubukan lang namin na pihitin yung pintuan at ito ay bukas, pagkapasok namin ay kusina na agad. May dalawang kwarto. Sinubukan namin buksan ang pinto sa gawin kanan pero ito ay nakalock. Ang kwarto namin ay sa kaliwa. May maliit na aircon doon at malaking banyo. Kami ay nasa laboratory room ng LCC.
Kung susumahin lahat ng araw na magsstay kami sa LCC, nasa anim na araw. Unang gabi namin doon ay adjustment na naman. Labas ng mga gamit sa banyo, mga charger, mga pagkain. Ikot ikot sa paligid para maorient, so far okay naman, may tubig.
Anim na araw at limang gabi.
Napagusapan namin ni Mara yung tungkol sa pasyente namin na nagmental breakdown. Nagmessage kasi ang COVID ward na humingi siya ng pasenya at pasasalamat na rin dahil sa pag-alaga sa kanya. Pasenya kasi pakiramdam niya ang lahat ng pagod ay dama na niya at bilis ng mga pangyayari. Tinanong ko si Mara kung paano siya nakikipag-usap sa mga pasyente niya, kasi ako kapag pasok ako, magtatanong lang kung ano nararamdaman, magbibigay ng gamot, kukuha ng vital signs at aalis na. Hindi ko hinahayaan magtagal sa pasyente kasi natatakot din naman ako mahawa. At ayun nga ang sabi niya, minsan umuupo pa siya sa tabi ng pasyente at huwag daw kakalimutan ang touch, paghawak,paghipo o pagtapik sa pasyente, nakakatulong. Baka nakalimutan ko na iyon kasi dahil sa pagmamadali na matapos ang lahat ng trabaho. Salamat sa pagpapaalala. Napag-usapan din namin si plus one, baka daw icouncil nya din. Sabi ko huwag niyang gawin iyon. Nabanggit nya na baka nalilito pa lang siya sa sexuality nya dahil bata pa siya, kasi okay naman siya na sumama sa akin. Nakwento ko na din na magkasama kami sa Coron for like everyday of that certain week. Nasabi ko nga na what will be the next, hanggang ganun na lang ba? nasa getting to know pa rin nga. Hay naku. Daming kwestyon sa isip na walang kalakasang loob na itanong kay plus one. Walang label.
Nakagawa na kami ng kwento sa aming lahat. Kami ay ang fours sisters without a wedding. Si Mara si Teddy, ako si Bobby, pinili ko daw yung pinakamaganda, si Bea, Bea Bunda. Si ate Fatima si Gabby at si ate Lalang si Alex. Napagkatuwaan din namin ang mga pangalan namin na dapat ay full name ang gagamitin lagi at hindi nickname. Mara Megan, Maria Fatima, Perla at Manuel III. All of the things para mairaos ang araw. Tumatawag din ako kay Mommy kasi start na naman ng lockdown nila at surge nila sa Coron. Tuwing hapon nanan ay nagpapapawis naman ako dahil ako ay lumaki na naman.
Panghuling araw ay na swab kami. Tinusok kami sa bibig at sa dalawang butas ng ilong. Naluha talaga ako. Para akong maiiyak. Salamat na lang talaga at kami ay negatibo. Nakauwi na rin sa mga kanya-kanyang tahanan. At ako naman ay hindi pa makakauwi ng Coron.
Friday, April 30, 2021
Seventh Day of Duty
Biruin mo yun, nakapitong araw na ako. Ang bilis lang ng araw. Tapos na agad ang pitong araw na duty. Palitan na namin gn shift. Pang-gabi na ako. Mahaba ang off ko like 24hours.
The same of the usual duty. Palabas ng mga pasyente. Sana ay wala ng toxic na admission.
Puro kalokohan lang ginagawa namin sa mga kasama namin. Binibiro namin siya sa nangliligaw sa kanya. Parang matatapos ang pandemya na ito na may jowa na siya.
Chinat ko na din yung crush ko. Napapaisip tuloy ako kung ipupush ko pa ba? May patutunguhan ba? At hanggang kailan ito. Ang dami kong tanong. Masaya pa ba? O dahil nagrerespond lang siya kaya okay na. Hays. Mahirap ang walang label, walang clarity. Hindi mo alam kung san ka lulugar at kung ano ba talaga ang gusto mong gawin. Walang plano kung saan ba papunta ito.
Huling gabi ng duty. Nagtantrums ang pasyente. Post cesarean section ng postibo naming pasyente. Ang dami niyang complain, sa sarili, sa sitwasyon saka sa baby nya. Hinayaan ko siyang magverbalize ng mga nararamdaman niya. Kaya lang parang sumosobra na sya. Super nag na siya. Ayaw ko ng ganun. Pinapakalma ko siya pero clouded na yung utak nya sa mga nangyayari sa kanya. Humihinga lang ako ng malalim para ako naman ang kumalma. Nabibibwiset na ako sa kanya. Tumutulo na ang pawis ko sa buong katawan ko dahil sa hazmat. Basang-basa na yung boxer ko ng pawis. Panghuling duty ko na. Nainsertan ko na siya ng heplock at nagbigay na din ako ng paracetamol intravenous sa kanya para mawala ang kirot na nararamdaman nya. Nung kay baby na ako mag-iinsert mas lalong lumakas naman ang pagsasalita niya. Doon na ako nagdecide na tumawag ng SOS. Buti na lang at hindi pa tulog yung kasama ko. Nagaptulong ako pakalmahin ang nanay. Kinausap siya. Nilabas namin yung baby. Sa hallway namin ininsertan ng intravenous fluids. Kumalma ang nanay. Nawala ang lahat ng kirot. Pinalipat ko mula sa upuan niya papunta sa kama at daliang nakatulog. Hays. Kagigil.
Hinanapan namin ng gatas ang baby at mabuti mayroon ang milk bank ng NICU. Sa hallway namin nilagay ang baby para ma monitor. Pinapadede namin siya gamit ang syringe. Naransan ko din na magpadighay ng baby. Nilagay ko sa balikat ko siya para dumighay. Wala ako narirnig na dighay. Pagkapaharap ko sa kanya. Bigla siya dumighay sa harap ko. Ang cute. Pero medyo may kaba ako kasi nakasama na ng nanay na postibo ang baby. Naswab naman si baby at hinihintay namin ang result.
After endorsement ay natulog na ako. Pagkagising ko. Negative si baby sa COVID19. Hinga ng malalim at nagpasalamat kay Lord. Tapos na ang 14days duty namin ngayong buwan.
Monday, April 12, 2021
Third Day of Quarantine 2021
Nakaplano na ang routine ko for today.
Gising.
Kain.
Exercise.
Ligo.
Kain.
Gawa ng module.
May mga napauwi na na mga staff pero home quarantine pa sila. Kaya kulang na ang mga staff. Tingin ko, papasukin na naman kami kung magnenegative kami. Mahihirapan na kami kunin itong quarantine day off namin.
May nagpositve na naman na staff ng ospital, pangatlo na siya nagpositive. So far mukhang di naman from hospital ang local transmission galing sa labas. May staff kasi na umattend ng church gathering, eh may mga nakasalamuha siya na galing Busuanga at Maglalambay. May mga postive kasi doon. Kaya malaki ang tsansa na mayroon doon na positve na nakasalamuha nila.
Kung lalabas man kami dito sa Olazabal, stay at home naman kami kasi lockdown ang bayan ng Culion.
Second Day Of Quarantine 2021
Nagising sa Olazabal building dahil pinalipat kami kagabi.
Medyo late na ako nakatulog kagabi siguro bagong higaan na naman. Magkasaa kami ni Mara dito sa kwarto para narin kapag may online class mas mdali makapagtanong ng mga clarification.
Gagawa na naman ng bagong routine para maging productive ang araw. Kailangang mag-aral para maubos na ang mga module na yan. Kailangan na ding maglaba dahil kulang ang damit kong dala. Dala ko pa ang mga scrub suit ko dito dahil wala na akong maisusuot.
Wala akong maintindihan sa statistics, walang pumapasok sa utak ko. Hays.
Napapaisip din ako kung saan nakuha ng mga kasama ko yung virus. May dalawa kaming postive na handle, isa sa ICU at isa sa COVID ward. How come kaya na nahawa sila? Dalawang staff na hindi naman nakahandle ng postive. Palaisipan. Bahala na muna ang management diyan. Basta ang goal natin ay makauwi ng negative sa boarding house.
Hindi na naman ako makakauwi ng Coron, lockdown ang Culion. Balik pasuyo ulit. Nag-aalala tuloy ako kay Mommy pero okay naman siya. Tiwala lang kay Lord. Nakakalungkot, pero kailangan maging matapang at malakas ang isip para hindi panghinaan.
Bukas ay ikatlong araw na namin. Kapit lang.
Saturday, April 10, 2021
First Day of Quarantine 2021
Pagkatapos ng meeting namin kagabi sa COVID ward ay dinala na kami dito sa Hotel Maya.
Unang araw na ng quarantine namin.
Panibagong adjustment sa lugar na aming paglalagakan ng limang araw.
Pagkatapos namin maexpose sa positive na patient, bibilang ng limang araw bago pa kami maswab. Hopefully ay mag-negative lahat kami.
Kinahapunan, nabalitaan namin na may mga staff na pinasok sa ospital at subjecy for swab at later on ay napabalita na maglolockdown ang ospital.
Kinabahan na ako, marami na akong naisip kung ano ang mangyayari. May pagkakataon na hindi ako mapakali. Iniisip ko, what if kung mayroon nga silang virus. Paano na mangyayari yun?
Lockdown na ang ospital.
Tinawagan ako ng head nami na ililipat daw kami sa Olazabal hall, dahil yung mga staff na nakasalamuha ng mga admitted staff ay ilalagay sa Hotel Maya.
Nag-empake na kami ng gamit.
Lumabas kami sa ng hotel at sinundo ng sasakyan. Pagkadating namin sa gate at pila ng mga kawani for contact tracing.
Dark times.
Parang isang madilim na panaginip ang nangyayari. Mga kaibigan at kakilala ko ang mga suspect. Nakakakaba .
-Adva Birenbaum-