Showing posts with label crush. Show all posts
Showing posts with label crush. Show all posts

Thursday, June 3, 2021

I Lost my Phone and I Think I Lost the Fight

 I lost my Samsung S20plus in the deep blue sea. 

 Papunta pa lang kami ng Bayaca Pirate Island. Nakaearphone ako, nakikinig sa cellphone ko. Inabot sa akin yung chocolate candies. Iaabot ko sana sa mga bangkero. Tumanggi sila. Umikot ako para iabot sana sa kanila ang chocolate candies at may narinig ako nagbounce. May nahulog. Wala na ang cellphone ko. 

Napahinga na lang ako ng malalim. Ayaw ko naman masira ang kasiyahan ng grupo kaya sinabi ko okay lang. Pero hindi ako okay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pagkatapos ng apat na night shift. Puyat yan. Wala na akong magagawa. Gusto ko maiyak pero di ko magawa. Natahimik na lang ako. Mabigat sa pakiramdam. 

Pagkadating namin sa isla. Nabalita na agad sa kanila ang nangyari. Kinausap niya ako at nakikita daw sa mga mata ko ang lungkot. Niyakap niya ako. Pero mabilis lang iyon kasi maraming tao. Sinimulan na ang inuman. Pagkadating pa lang. Jose Cuervo. Coating my self with temporary happiness para makalimot saglit sa nangyari. Iniisip ko na dapat hindi mabahiran ng lungkot ang grupo dahil sa kapabayaan ko. Kapag tumahimik ako baka masira lang ang lakad. 

Uminom. Kumain. Naglaro. Nagsiya. 

Gabi. Nakainom na ang lahat. Tapos na ang mga palaro ng inuman.

Lumipat kami ng buhangin. Nakaupo kami lahat. Humiga ang isang doktora sa hita niya. Nasaktan ako. Gusto ko umalis sa sitwasyon  pero di ko magawa. Hindi ko kayang magsabi na nasasaktan ako. Hindi ko kasi kayang gawin yun sa kanya. Gustong-gusto ko sana. Pero parang malalabag ko ang karapatan niya. Hanggang hawak lang nga ako sa tenga at buhok. Yakap nga parang patanong pa. Nasasaktan ako. Tinitignan ko lang siya. Siguro naman nararamdaman nya naman. Gusto ko siya pero di ko kayang ipaglaban. Wala akong karapatan. Hindi ako nagsasalita. Siguro may nakapansin at pinatayo nila ang doktora. Pero para sa akin, parang habangbuhay ang tagal ng pagkakahiga ng doktora sa hita niya at parang habangbuhay ang sakit. Umalis muna ang doktora at ako ay nagkipagkwentuhan na. 

Hanggang sa tatlo na lang ang naiwan sa inuman. Paminsan-minsan ay umaalis ang kasama namin nung tatlo na lang kami. Meron kami maikling pag-uusap. Di ko alam kung ano ang tinanong ko pero sabi niya siya ay napainvolve na naman sa relasyon ng dalawang magkasintahan. Hindi na naman siya natuto. Tinanong ko kung totoo ba? Napahinga na lang ako ng malalim at nasabi ko sa sarili ko na "Shit Eman!" Nagbibiro daw siya. Naguguluhan na ako. Tinanong ko siya, "Alam mo ba na gusto ka ni Eman?" , "Ano nag stand ni Eman sa iyo?"

"Eman is a friend", sagot niya.

Friendzoned.

Tinanong ko siya kung magnapupusuan ba siya as of now. Wala. 

Kinabukasan. Nag-open na daw ang biyahe sa Coron. Tinatawagan na rin siya ng company niya. 

Magpapaiwan ako sa Bayaca at uuwi bago ako magduty. Pero uuwi siya ng Culion with his reasons. 

Si Eman ay malungkot. 

Si Eman ay kailangan ng umalis ng Culion.

 

 

 

Saturday, May 22, 2021

Nakasama Ko ang mga Kaibigan Niya

Kami ay nagdesisyon na babalik kami ng isla.

Si doktora, ako at siya. 

Pagkauwi ko sa bahay ay nagmadali na ako na pumunta ng Palawan Pawnshop para magpadala kay mommy ng allowance. Manghihiram sana ako ng bike kay Amore pero dahil nga umulan at basa ang bike, pinahiram niya ako ng motor niya. Si Amore ay nagluluto ng carbonara at nagpasabay na din ng tinapay afetr ko magpadala kay mommy. Medyo matagal ang pila doon kaya parang di na din ako sigurado sa oras kung makakasabay ba ako.

Binalik ko na ang motor kay Amore. Nagsasalin na siya ng pasta sa sauce. Nagchat na Siya sa akin kung nasaan na ako. May lakad nga pala. Tinawagan ko siya. May nakasave naman pala ako ng number nya. Mas madali na kausapin siya sa number niya kaysa gumamit pa ako ng messenger. Sa bahay na nila kami magkikita-kita. Isasama niya ang dalawa niyang kaibigan.Magbabaon ako ng carbonara.

Nagmadali na ako mag-empake. Malapit na ang oras na kami ay aalis. Sumakay na ako ng tricycle at bumaba sa palengke. Nandoon na rin si doktora. Namimili siya ng kakainin namin sa isla. Limang araw ang usapan namin. Mahaba-haba din na araw yun. Marami rin kaming napamili. Medyo mabigat ang mga dalahin kaya pinalagay muna namin sa bahay Niya. Nandun na yung dalawa niyang kaibigan. Marami nang pinamili sa lamesa Nila. Dumudungaw ang aso niya sa akin at medyo hindi ako komportable kasi malaki at malakas ang tahol. Sinabi niya sa akin na maliit lang ang bangka. Nagtanong din siya kung natatakot ba ako. Mas natatakot ako sa aso niya. Gusto ko sana maglagi doon sa loob ng bahay nila kaya lang kailangan kong samahan si doktora na mamili. Pagkabalik namin sa bahay nila ay dumating na daw ang bangka. Naalala ko, wala pala akong towel na dala. Pinahiram niya ako ng face towel. Mabango. 

Maliit lang ang bangka na sasakyan namin. Kulay pula. Nung oras na iyon ay may bibilhin pa ang bangkero kaya naghintay pa kami sa kaniya. Kasabay nun ay may pasyente na positibo na binababa sa kabilang tambakan.Nagtago ako pati si doktora. Baka mapansin kami ng aming mga kaempleyado at ma issue na aalis ng town proper. Hanggang sa sila na may pasyente ay nakaalis sakay ng ambulansiya kami naman din ay bumaba na sa bangka, nilagay ang mga gamit at naglayag palayo. Kasama ko na ang mga kaibigan niya.

Nasa bandang harapan ako, pangalawa. Maganda ang panahon. Banayad ang dagat. Walang hangin. Kalmada. Derecho ang biyahe. Kakwentuhan ko ang kaibigan niya. Si Jimi. Si Jimi ay malambot. Babad sa downy. Matagal ko na siyang kakilala, nakasama ko rin kasi ang pinsan niya na si kuya Jonathan nung college. Parte si kuya Jonathan ng team sa teamwork. Simula ng umalis kami sa town proper, nagkekwentuhan na kami hanggang na tumigil ang makina sa pag-andar sa gitna ng dagat. Kinukwento niya yung mga encounter namin before sa mga sayawan sa destino. At kami ay nakarating na ulit sa isla ng Bayaca. 

Nakatayo pa rin ang mga tent na ginamit namin kahapon. Nagsabi si kuya Rex na sa taas, sa kwarto na lang niya kami matulog ni doktora. Pinahanda na rin  niya ang isang kwarto para sa kanilang tatlo. Nagluto ng hapunan at kami ay kumain na. Nagbukas ng bote ng alak at kami ay nagkwentuhan ng mga kaibigan niya. Nagpaanod sa alak at mga kwentuhan. Kasama ko na ang mga kaibigan niya. Medyo kinakabahan ako kasi pakiramdam ko para akong estranghero na kasama nila. Paano kaya kung malaman nila na gusto ko yung kaibigan nila. Paano kaya kung makita nila na kinikilig ako sa kanya. Paano ko maitatago ang nararamdaman ko sa nandiyan sila. Medyo challenging ang mangyayari. Inantok na ako.

Umakayat na ako sa taas at gising pa si doktora at kuya Rex. Sila ay nagkekwentuhan. Nasa gitnang kama nila ako. Medyo sumabay ako sa kwnwtuhan nila pero nagpaalam na ako matulog. Sabi ko, orlogs na ako. At kami ay natulog na sa kawalan. 


Friday, November 8, 2019

Tinikman Niya Yung Crush Ko


Matagal ko na siyang gusto.

Una ko siyang nakita sa paaralan na nasa harapan ng ospital na pinagtatrabahuhan ko. Isa pa siyang estudyante noon sa college at volunteer naman ako sa ospital. Minsan ko na din siyang tinanong sa supervisor ko kung sino siya. Ang sagot ng supervisor ko ay huwag siya.

Dumaan ang taon at ako ay nahumaling sa badminton. Lagi ako naglalaro nun at minsan ay isinama siya ng aking kaibigan para makipaglaro. Medyo umiiwas ako dahil nga na ayaw ko na maipakita na may gusto ako sa kanya. Mabait siya at mukhang madaling pakisamahan. Hindi na ako nagbigay ng motibo kasi alam kong makakasakit ako.

Maraming taon ang lumipas at nagkatagpo ulit kamil. Dito sa Culion, sa isang birthday party. Medyo nagkaroon kami ng uportunidad na magkausap at magkabiruan. Nakakahiya pero sinunggaban ko na ang pagkakataon na iyon. 

Pagkatapos ng gabi na iyon at nagsimula na kami magkachat sa messenger at ako ay tuwang-tuwa. Walang halos paglagyan ang aking kasiyahan. Lagi siyang nang-iivite na kami mag-inuman at medyo napagastos na nga ako para lang makita at makasama ko siya. 

Lumaki ang circle of manginginom namin, marami na ang nainvite kasi di lang naman ako ang nakakainuman niya. Hanggang sa mga huling araw na paalis na siya.
Nagkayayaan na uminom kami. May kasama pa kaming isa. Sa dating pwesto, sa kalsada. Hanggang sa maubos na namin ang inumin. Wala ng ibang mapupuntahan kaya naisip ko sa bahay na lang. Nung papunta na kami sa bahay nadaanan namin ang kapitbahay ko sa boarding house, babae.  Inaya na namin siya uminom. At pagkadating namin sa bahay ay inihanda ko ang aming pag-iinuman. Sinundo ko pa ang babae sa bahay na inuupahan niya para makasabay sa inuman namin.
Mabilis lang dumaan ang oras. Puro kwento, puro tawanan. Maya-maya pa ay sila na ang magkatabi, ang crush ko at ang babae. At katabi ko na yung isang kasama namin. Nagsimula na silang maghalikan. Ako ay nasaktan. Para hindi naman nakakahiya. Nagkunwari kami ng isa naming kasama na naghahalikan. Ngunit hindi ko naman tinotoo. Pumunta sila sa likod ng boarding house ko at hindi ko na alam kung anong ginawa nila. Pinauwi ko na yung kasama namin. At pumasok na ako sa kwarto. Maririnig ang unggol ng babae mula sa likod-bahay. Kaunting sandali lang ay pumasok na sila ng bahay. Sa kwarto ko, doon sila nakitulog. Tumabi sa akin yung crush ko, pero nagsalita ang babae na kung hindi siya ang tatabihan ng crush ko ay hindi na niya matitikman ang babae. Sakit. Saklap. Pinababa ko na si crush kasi nakakahiya naman sa babae diba?

Maaga ako nagising kahit hindi naman ako nakatulog. Habang sila ay mahimbing. Naligo na ako at pumasok ng maaga sa hospital. Nagulat ang mga katrabaho ko kasi sobrang aga ng pagpasok ko. Tinatanong nila kung ano ang nangyari. Hindi detalyado pero nagbibigay ako ng paunti-unting kwento. Nasaktan talaga ako. Nagchat si crush nung umaga na umalis na daw sila. Hindi ko na siya nireply.

Nang mga sumunod na araw may nagkwento sa akin na hindi lang yun ang una na ginawa nila ang pangyayari na iyon. Napakatanga ko na hindi ko man lang nalaman o kaya ay napansin na meron na palang nangyari sa kanila sa tapos sa bahay ko pa talaga nila ginawa ang sumunod ng walang paalam. Sakit naman nun.
Simula nung umalis siya at bumalik ulit dito sa isla ay hindi na ako gumagawa ng paraan para magkakomunikasyon kami. Masyado akong nasaktan sa taong hindi alam na nakakapanakit na pala sila.