Wednesday, June 30, 2021

I Handled 40plus Positive Patients

 Nakauwi na ako ng Coron. 

Going back sa aming duty, I remember, I always ask Mara Megan, "What if magpositive ako?" Hindi ako confident sa PPE ko at kinakabahan ako sa dami ng mga hinandle ko. Mayroon pa kaming mga hero moments na dapat ay wala. Dahil walang emergency sa COVID ward. Ikaapat pa lang na araw mayroon na kaming death. Dalawa. At yung isa na nalipat sa ICU ay inabutan din ng kamatayan sa ICU. Ang toxic. Kami pa ni ate Nessie Ann ang mag 24hours duty. Kaya nung time na yun sobrang ang hirap magdesisyon sa mga pangyayari. Samahan pa na duty si Marga. 

Mabilis lang na dumaan ang mga araw. 14 days. 12 hours duty. 5 days quaratine duty. Nauna na kami lumabas kila Mara Megan nung last day of duty namin. Hindi na kami pwede maabutan ng susunod na team kaya pinababa na kami sa Tabing Dagat. Dahil kinabukasan pa sila, si Mara Megan at Ate Perla (Lalang), kaming tatlo, ako, ate Nessie Ann at Wilmer  ang nag-ukopa ng isang kwarto. 

Kinabukasan, tanghali na. Wala pa sila Mara Megan at ate Perla. Kinabahan na ako, kasi nga nung gabi habang endorsement ay masakit na ang ulo ni Mara Megan. Minsahe ko pa ang ulo niya. Marami pa rin silang admission. Tapos si ate Ma. Fatima nagmessage na nasa fastlane daw si Mara Megan, nag-uubo. At dumagdag pa ang aking kaba. Nagdasal na ako na sana negative siya kung sa fastlane man siya. At maya-maya pa ay dumating na sila galing ospital. Ayaw ko silang papasukin. Uuwi pa ako ng Coron kung magnegative ako. Mayroon daw diskriminasyon sa ginagawa ko. Kinumpirma ko kung galing ba sila ng fastlane. Pina-prank lang daw nila ako. Mga animal sila. Kabado ako. Ang tagal lang daw talaga ng endorsement. Saka wala pa kasi yung result ng swab test ng kapalitan nila. Sa kabilang kwarto ang dalawa na dumating. 

Limang araw. Limang araw pa ang hinintayin namin, bago kami isaswab ulit. Pangatlong araw na nung nagtanong-tanong ako kung paano ako makakauwi ng Coron. Napakahina ng signal doon at kailangan namin ng malakas na signal para sa online class. Tuwing hapon ay nasa veranda kami ng Tabing Dagat, kanya-kanyang muni muni o kaya ay naglalaro ng baraha. Tinuruan na rin nila ako maglaro ng pusoy dos. Twing hapon din ay nag-eexcercise din ako. Sobrang pinakikiramdaman ko ang aking sarili kung magkakaroon ako ng sintomas. Walang na mimissed out na vitamins. Kailangan uminom pati na rin ng maraming tubig. 

Nagpostive si Dok Jorge.Tumawag siya. Narelieve ako sa pagtawag niya. Humingi siya ng pasenya at ako na rin. Humingi ng tawad sa kanya.

Swab day. Akala ko na yung magsaswab ang pupunta sa Tabing Dagat. Kami pala ang aakyat sa ospital. Kanina pa dumating ang sundo. Nakapantulog lang ako nung umakyat sa ospital. Ayaw ko na magbihis. Dagdag sa labahan. Kasabay din namin ang COVID extension magpaswab. Pagkatapos nun ay bumalik na kami ng Tabing Dagat. Hapon na nung lumabas ang result namin. Natagalan pa kami kasi hindi kasabay yung result ni ate Perla. Medyo may kaba kasi ang tagal ng resulta nya. Ramdam din namin yung kaba niya kahit hindi niya pinapakita. 

At lumabas na ang resulta. Negative kaming lahat. Late ng gabi nung kami ay umuwi. Dumaan na din ako kila Diane Kathleen(DK), sila lang ni Sid Tyler ang nasa bahay, dahil wala si Tatay Boy at Mama Vangie, pati si Teng, dahil nagka-covid. Dun na ako nagdinner. Parang ang laki ng bahay kapag walang tao. Doon na din natutulog si Nerizza(Isay) at si Carmela. Kinabukasan ay naglaba na ako at plinano ang mga gagawin kong hakbang para makauwi ng Coron. Nakalimutan ko, nakahard lockdown nga pala ang Tiza. Wala naman nagsita sa akin sa paglalakad ko. Magmomotor sana ako kaya lang ayaw umandar ng motor ni Isay. Dumiretso muna ako ng Nursing office para magpaalam sa mga heads ko. At ito na daw ang big break ko kapag nakauwi ako ng Coron. Pagkatapos nun ay pumunta naman ako ng admin para magpaalam sa HR. Mahigpit ang guard ng admin. HIndi muna ako pinaakyat. Tinawag pa si mam Grace na bumaba para kausapin ako. Kukuha din ako ng sweldo kaya umakyat din ako, sayang lang ang pagbaba ni mam Grace. Nakuha ko na ang swedo ko, kaya lang bumuhos ng malakas ang ulan. Wala akong payong. Buti na lang at may payong si Regis. Hiniram ko muna at bumalik sa ospital para sa aking printed form ng swab result. Tanghali na nun at sa Nursing office na ako nag-antay ng oras. Doo n na rin ako kumain. May papancit ang Nursing office. 

Ala una na nung bumaba ako sa Records, hindi pa pala napiprint kasi hindi pa naeencode yung result ko. Kailangan kasi yun para makakuha ng travel order sa RHU ng Culion. Tatlong oras ako nag-antay. Wala pa din ang result. Madami kasing sinaswab ngayon. Ang daming staff ang nahahawa. Napakabusy ng lahat. Nainip na ako kaya bumaba na ako sa RHU kahit wala pa yung result ko. Pinakita ko lang yung sms sa akin ni mam Diane para malaman nila na negative ang result ko. Then nung nasa admin naman ako ng munisipyo, buti at doon si Susay. Napapirmahan ko din kay sir Max yung papel. At yung last step ay sa Toursim office, buti at doon si Dejemar. Nagawa din yung mga kailangan ko na papel. At walang nagsita sa akin kahit nakamotor ako. Salamat talaga. Bumalik pa din ako sa ospital pero wala pa din ang result ko.

Nung nakauwi na ako sa bahay. Tinawagan ko na yung laboratory na kung pwede magawa na yung encoding ng result ko. Mabuti na lang at mabait yung nakausap ko kahit hindi ko kilala. Nagchat na din si mam Kiray na nauwi niya yung result ko. Nag-empake na ako at tinext na yung bangka na sasakyan ko. Mabuti na lang at nagsuggest ng masasakyan yung nasa RHU kung hindi, hindi ko alam yung sasakyan ko. 

Kinabukasan, maaga pa ako nagmotor para makuha yung result ko kay mam Kiray, dinaan ko na din sa Tourism office kasi paulit-ulit ako na pinapaprint ko na ang result ko. Tapos pagkaalas-otso ay bumaba na ako sa may CES para sumakay sa bangka ng Big Dream Boat Man. Napakita ko na din kahapon pa yung travel order ko sa coast guard para alam na nila agad na aalis ako. Bago na din ako bumaba sa nagpaalam ako sa Brgy. Hall ng Tiza, doon na din ako nakisuyo ihatid sa CES. May maleta kasi ako, laman ang mga bigas na ayuda namin ni Lesh. At ako ay nakasakay na sa bangka. 

Pagkadating sa Coron. Tsinek yung mga papel na dala ko at ako ay sumakay na sa tricycle pauwi ng bahay. Kausap ko din ang EOC ng Coron. Three days prior pa lang bago umuwi kinausap ko na sila agad. Di ako sure kung na check talaga ang bahay kasi wala naman si Mommy nung pumunta sila. Itatampal ko sa kanila ang RT-PCR test ko kung sa quarantine facility ako mag-sstay. Even though natatakot din naman na ako baka magpositive ako after home quarantine at magdala ng virus dito sa bahay. 

Isang himala na nakauwi ako sa gitna ng maraming kaso ng positibo sa Culion. Salamat sa Diyos.

Sunday, June 20, 2021

I was Scolded for being a Zombie.

 

Zombie. No brains. Yan ang tawag ko sa sarili ko kapag puyat ako at kulang sa tulog. Hindi nagfufunction ng maayos ang utak ko at parang luatang ako sa mga pangyayari at mga kaganapan.  Walang self-direction, hindi ko alam kung ano na ang gagawin unless may magpaalala at magsabi sa akin kung saan na ako patutungo.

24hours duty. Magsisimula ng alas sais ng hapon at matatapos ng alas sais ng hapon, kinabukasan. Matindi ang labanan ngayon duty na ito. Ang daming positibo. Walang gabi na wala kaming admission. Napupuno ang mga kwarto, laging may lipatan ng mga pasyente sa iba’t ibang kwarto dahil nga pinagsasama na ang mga positibo. Labindalawang oras na duty at puro pawisan palagi pagkalabas ng mga infected area. Pitong araw na puro pang gabi ang aming shift  at mayroon pa kaming 24hoursduty after seven days of night shift. Kaliwat-kanan na bahagi ng  ospital may positibo. At ngayong 24 hours, maraming nangyari.

May buntis na naman. Isa sa pinaka ayaw ko. Buntis. Buntis ngayong pandemya. Hindi kasal sa asawa. Baka mapanghusga lang ako at dapat ko iyon tanggalin sa aking sistema. Hindi ko naman pinapakita sa mga pasyente ko na ayaw ko sa sitwasyon nila,pero hirap ang kalooban ko kapag sila ang bibigyan ko ng kalinga. Iresponsable. Yan ang nasa isip ko. Minsan ay napapamura pa ako sa station. Tangina. May buntis na naman. Sa gitna ng pandemya. Sa gitna nga mga nag-uubuhan na pasyente. Sa gitna ng mga nakakahawang virus. May buntis. Alagain ang buntis. Madaming nararamdaman. At ang partikular na buntis na ito. Mataas ang bp, manas at malakas manigarilyo. Sana nga lang  ay nagative siya para malabas na siya ng COVID ward.  Gabi siya dumating. Mahaba ang duty na ito, bukod sa bente kwatro oras ang duty ko, may buntis. Lahat ng buntis na magpopositibo sa COVID19 ay subject for cesarean section. At siya ay nagnegatibo, siya dapat ay ililipat. Kailangan siyang malipat. Naririnig ko ang mga doktor na nagsasabi na siya ay dapat ng ilipat dahil siya ay mahahawa lamang ng COVID19, ngunit pangit ang baga niya. Pangit nag kodisyon niya. Mayroon na siyang ubo. Pero dapat pa rin siyang ilipat. Nasa lugar siya na kung saan ay napapalibutan ang kwarto niya ng mga positibo.

Mabilis na pangyayari. Madami pa na dadating na mga pasyente. Kailangan ng ilabas ang buntis. Hindi pa siya manganganak. At dahil siya ay negatibo, kailangan na siyang lumabas. Nagsulat na ng  order ang isang doktor na maaari na siyang lumabas. Nakausap ko na ang paglilipatan. Pinalabas ko na ang pasyente dahil handa na ang lahat. Tinawagan ko na ang supevisor para magkaroon ng tao na magtatraffic ng paglabas ng pasyente. Ngunit nung pagkakataon na iyon ay pinatigil ng mga supervisor ang paglipat. Negatibo ang pasyente. Hindi pwede ilipat sa extension ng mga COVID ward. Kinausap ng supervisor ang OB ward na mayroong kwarto na walang pasyente na doon. Doon na lang ilalagay ang pasyente. Nasa labas na ang buntis. Marami pa ang papasok na pasyente. Tinawagan ko ang OB ward. Doo na ilalagay ang pasyente. Kinausap na sila ng supervisor. Mabilis na pangyayari. Nailipat na doon ang buntis. Pangit ang baga niya.

Zombie. Wala pa akong tulog. Nailipat na ang buntis. Mabilis na pangyayari. Tumawag ang doktor ng mga buntis, bakit hindi nasunod ang kagustuhan niya. Nagdepensa ako sa mga ginawa ko.Hindi ko desisyon ang lahat. May nagdesisyon para sa akin. Sumunod lang ako.  Mabilis ang mga naganap. Malungkot ako. Galit siya. Ayaw ko ang pakiramdam na may galit sayo. Sumisikip ang dibdib ko. Parang sinasakal ang paghinga ko. Tanginang buntis yan.

Lumagpas ang limang araw. Binabalikan pa rin ako ng bente kwatro oras na duty ko. Ngpositibo ang buntis. Mukhang madami ang nahawa, ngunit kasabay din ng pagkahawa ng mga staff ay mga pagkahawa ng mga kasamahan din nila sa bahay nila. Laganap ang pagpakahawa sa labas kaya hindi natin masabi kung ang buntis ba ang nakahawa at maaga lang ang pagkakaswab sa kanya o galing sa labas na dala ng mga staff galing sa mga pamilya niya. Naguguluhan na ako. Hindi ko na din alam. Nakita ko si doktor. Galit siya. “Tignan mo kung anong ginawa mo” , sabi niya.

Nalulungkot ako. Marami ang nahawa sa OB ward. Kasalanan ko ba? Ako ba yun? Dahil ba sa akin? Duty pa ako. Ang sakit sa ulo. Para akong sisipunin na hindi naman. Parang sasakit ang ulo ko na hindi naman. Nai-stress na ako. Parang gusto ko ng matapos ang duty na ito. Nalulungkot ako sa mga nangyayari. Dark days. Napakadilim ng  buong ospital. Parang may isang malaking ulap na itim ang nakapaibabaw sa ospital na ito. Dark days. Malungkot ang mga balita. Nakakabahala ang mga nahahawaan na kakilala ko na staff. Nakakaawa. Ang palabas pa ng pabatid ay tila kasalanan pa ng mga staff kung bakit sila nahawa. Nakakalungkot. Sana matapos na ang duty na ito.

Ikalawang araw ng quarantine. Nabalitaan namin nagpositibo si doktor. Nakakalungkot. Nagpadala ako ng mensahe sa kanya. Kamusta ka na, sabi ko. Kinakabahan ako sa reply niya. Iniisip ko na galit pa rin siya. Ngunit hindi. Tumawag siya. Positibo siya pero pagaling na. Hindi nakakahawa ang pagkakaroon niya ng virus. Iniisip niya na baka kami, ako ang nahawaan niya. Hanggang ngayon ay wala naman akong sintomas. Hays. Dark days.

Wednesday, June 9, 2021

Subject to Swab

May nagpositibo sa lakad namin sa isla. 

Sinusubok talaga ako ng June. Grabe si June. Kapag umulan, buhos. Parang hindi titigil si June sa mga pasabog niya ngayong taon. Nakakakaba. Bago pa lang ako pumasok ng COVID ward. Pasabog agad si June. 

June 3. Isang araw bago pumasok ng COVID ward. Nagkasakit ang ate Ma. Fatima. Bahing ng bahing. Hanggang sa nagkasipon. Inubo at parang magkakatrangkaso. Sinabihan namin na magpatigin sa fastlane. Hindi na siya pinapasok. Naghanap ng bagong nursing attendant na makakasama ako. Ang ate Nessie Ann ang napili. Siya ay kambal ni ate Ma. Fatima. Kambal sila pero premature si ate Fatima kaya sakitin siya. 

June 8. Hapon na ako gumising from night shift. Nag-on ako ng data. Maraming messages ang pumasok sa messenger. At shocks! Nalaman na ang gala namin sa Bayaca Island. Nagpositibo ang isang nakasama namin doon. Kinakabahan ako, sobra. Natakot ako na makwestyon ang mga activities namin sa isla. Baka madamay ang mga tao doon na wala naman kinalaman sa mga kagustuhan namin na gumala at mag-unwind. Grabe. Para na naman akong binuhusan ng tubig. Lahat ng pumunta ng Bayaca Island ay subject for swabbing. Nakakakaba. Nakakapanghina ng pakiramdam. Ito na ba ang kabayaran ng panandaliang kasiyahan? Parang mas mabigat ang kaba kaysa sa saya. Kung ako lang naman at ako lang, walang problema. Kaya lang mayroong kasamang iba. Marami kami. Ayaw ni Eman na may mapapahamak dahil sa mga kagustuhan niya. Hays. Nakakapanghina ng pakiramdam. Nakakaguilty sa mga inaya ko. Iniisip ko, baka kasalanan ko. Sana na lang talaga, negative ako. 

Kami ay na swab.
Naluha na naman ako. Para akong kaiyakin. Alam ko naman ang pakiramdam pero naluha pa din ako. Kadi may kaba ako ngayong swab na ito. What if? 
Tumawag si Dra. Ma. Regina, binganggit niya ang mga pasyente na negative at nalaman na rin niya ang lakad sa isla. Regarding sa mga GP, labas naman ako diyan, pero yung sa COVID ward. Isa ako sa mga utak nyan. Hindi na ako nakasagot sa tanong ni Dra. Ma. Regina kung sino ang pasimuno nyan. Sinabi na lang niya nag mag-ingat dito sa COVID ward. Mabigat sa pakiramdam. Alam na ng boss ang naging lakad namin. Si Eman na naman. 

Negative ako sa swab test. 
Napapakinggan pa rin ang aking mga dasal.

Tuesday, June 8, 2021

Losing a Cellphone or Losing A Person?

Duty na ako.

Nakatayo ako sa pagitan ng tatlong pasyenteng may COCVID19. Nagbabantay. Tumutulong kung paano maiibsan ang hirap nila sa paghinga. Napapaisip ako. Ano ang mahalaga? Mawalan ng bagay na pinapahalagahan mo o buhay na mahalaga sa mga tao? 

Nakakaiyak ang sitwasyon. Wala akong magawa para mawala ang hapo nila. Para silang mga isda na tinanggal sa tubig na naghahabol ng hininga. May pagkakataon na nangingitim ang daliri sa paghabol ng mga hinga. Parang hindi sumasapat ang oxygen na binibigay ko sa kanila. Kulang talaga. 

Nasa pagitan nila akong tatlo. Nasa pagitan ako ng buhay at kamatayan. Nasa pagitan ako ng pandemya. Ito ang tunay na giyera. Paano malalabanan ang virus na ito? Nasa gitna nila ako. 

Ano ang mahalaga, bagay na nawala sayo? O buhay na maaaring mawala sa harapan mo? 

Bagay lang yun. Pwede palitan. Memories lang yun pwede maalala yun. Nakakalungkot maalala ang mga larawan na nakalagay doon. Lahat, wala na ang kahapon. Ang mga lugar na pinuntahan namin, ang mga ngiti, ang mga kilig na nakakunan ng cellphone na yun. Wala na. Wala na siya. Nilamon na ng dagat. Wala na akong cellphone. Gamit lang yun. Mapapalitan. 

Sa paniniwala ni Eman. Kapag wala na. Wala na. Hindi na aasa na babalik pa. Lahat ng lumilisan ay nawawala. Hindi na makakabalik at hindi na babalik. Moving forward. Moving on. Tanggapin ang katotohanan at lumakad palayo sa nakaraan. Tapos na. Tapos na ang kahapon. 

Umalis ka na. Lumayo ka na. Lisanin mo na ang kahapon. 

Thursday, June 3, 2021

I Lost my Phone and I Think I Lost the Fight

 I lost my Samsung S20plus in the deep blue sea. 

 Papunta pa lang kami ng Bayaca Pirate Island. Nakaearphone ako, nakikinig sa cellphone ko. Inabot sa akin yung chocolate candies. Iaabot ko sana sa mga bangkero. Tumanggi sila. Umikot ako para iabot sana sa kanila ang chocolate candies at may narinig ako nagbounce. May nahulog. Wala na ang cellphone ko. 

Napahinga na lang ako ng malalim. Ayaw ko naman masira ang kasiyahan ng grupo kaya sinabi ko okay lang. Pero hindi ako okay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pagkatapos ng apat na night shift. Puyat yan. Wala na akong magagawa. Gusto ko maiyak pero di ko magawa. Natahimik na lang ako. Mabigat sa pakiramdam. 

Pagkadating namin sa isla. Nabalita na agad sa kanila ang nangyari. Kinausap niya ako at nakikita daw sa mga mata ko ang lungkot. Niyakap niya ako. Pero mabilis lang iyon kasi maraming tao. Sinimulan na ang inuman. Pagkadating pa lang. Jose Cuervo. Coating my self with temporary happiness para makalimot saglit sa nangyari. Iniisip ko na dapat hindi mabahiran ng lungkot ang grupo dahil sa kapabayaan ko. Kapag tumahimik ako baka masira lang ang lakad. 

Uminom. Kumain. Naglaro. Nagsiya. 

Gabi. Nakainom na ang lahat. Tapos na ang mga palaro ng inuman.

Lumipat kami ng buhangin. Nakaupo kami lahat. Humiga ang isang doktora sa hita niya. Nasaktan ako. Gusto ko umalis sa sitwasyon  pero di ko magawa. Hindi ko kayang magsabi na nasasaktan ako. Hindi ko kasi kayang gawin yun sa kanya. Gustong-gusto ko sana. Pero parang malalabag ko ang karapatan niya. Hanggang hawak lang nga ako sa tenga at buhok. Yakap nga parang patanong pa. Nasasaktan ako. Tinitignan ko lang siya. Siguro naman nararamdaman nya naman. Gusto ko siya pero di ko kayang ipaglaban. Wala akong karapatan. Hindi ako nagsasalita. Siguro may nakapansin at pinatayo nila ang doktora. Pero para sa akin, parang habangbuhay ang tagal ng pagkakahiga ng doktora sa hita niya at parang habangbuhay ang sakit. Umalis muna ang doktora at ako ay nagkipagkwentuhan na. 

Hanggang sa tatlo na lang ang naiwan sa inuman. Paminsan-minsan ay umaalis ang kasama namin nung tatlo na lang kami. Meron kami maikling pag-uusap. Di ko alam kung ano ang tinanong ko pero sabi niya siya ay napainvolve na naman sa relasyon ng dalawang magkasintahan. Hindi na naman siya natuto. Tinanong ko kung totoo ba? Napahinga na lang ako ng malalim at nasabi ko sa sarili ko na "Shit Eman!" Nagbibiro daw siya. Naguguluhan na ako. Tinanong ko siya, "Alam mo ba na gusto ka ni Eman?" , "Ano nag stand ni Eman sa iyo?"

"Eman is a friend", sagot niya.

Friendzoned.

Tinanong ko siya kung magnapupusuan ba siya as of now. Wala. 

Kinabukasan. Nag-open na daw ang biyahe sa Coron. Tinatawagan na rin siya ng company niya. 

Magpapaiwan ako sa Bayaca at uuwi bago ako magduty. Pero uuwi siya ng Culion with his reasons. 

Si Eman ay malungkot. 

Si Eman ay kailangan ng umalis ng Culion.

 

 

 

Sunday, May 30, 2021

Four days of Night Duty

 Mahirap maghabol. 

Pero kailangan ko, dahil sayang naman ang duty ko kung mababawasan lang din naman ako ng sweldo. Kailangan kong pumasok ng apat na araw na may labindalawang oras na duty. Sa kadahilanan na kami ay pansamantalang pinalitan sa aming duty sa COVID ward at pinapakuha na ang mga extra off namin. Kapag may positive kasi sa loob ng ward, dun kami nagsstay. Walang uwian.

Unang gabi. Duty ako. Tumulong ako sa mga pasyente. Pang pm shift si Madam. Nagkatagpo na naman kami pero mas civil naman ngayon. Hinga ng malalim. Hawak sa dibdib. Alam ko naman na hindi malilimutan ang nakaraan pero kailangang iwasan muna sa kasalukuyan. Medyo nag-aadjust pa ako sa mga tao even though matagal naman ako dito pero may mga bagong staff na kasi at nakaadjust na sila sa isat-isa. Sa dami namin na duty, nagtry na ako gumawa ng slides ko para sa TFN pero wala rin naman ako nagawa. Nanood lang ako ng netflix. Tama ba yun?

Ikalawang gabi.  Sa medical pa rin ako. Apat pa rin ang pasyente. May pasyente ako na may cancer. Parang ito lang ang una kong pagkakataon na makahawak ng cancer patient. Iritable daw nung unang gabi na pumasok ako. Sinubukan ko kausapin habang nagbibigay ako ng gamot. Okay naman siya kausap. Responding, nagpapasalamat sa mga gamot na binibigay ko. Then night shift pala si Madam. Okay din naman. Makwento si Madam, tungkol sa duty at sa mga nangyayari sa ospital. Pero medyo inaantok na talaga ako. Hoping na umakyat na siya para makaidlip na kami. At sinubukan ko na naman na  gumawa ng slide pero wala pa rin ako nagawa. 

Ikatlong gabi. Nalaman ni Mam Vie na naghahabol lang ako ng duty during nagwawalking kami. Kaya sinabi nya sa mga supervisor na ako na lang magsupervisor. Alas diyes, ako na ang supervisor pero bago pa sa akin ilipat ang korona marami pang inayos si Sir Gerry regarding sa mga concern ng taga ER. Nagrisk assessment kasi ang tatlong utility nila. Walang utility ang ER. Kaya tinawagan ni Sir Gerry ang head ng mga utility pati ang chief nurse na din. Waiting ako na maresolve ang mga concerns. Then endorsement niya sa akin na may DNR/DNI sa NICU. Ang concern niya ay kapag may pinasok na manganganak at need ng baby ang transition ward ng pedia, kukulangin ang stafff na maghahandle na pasyente. After ng endorsement nag rounds na ako. Kakwnetuha ko si Arcelie. May nagpositive na utility. Naku. Kalahating kaba. Iniisip niya kung nakasalamuha ba niya yung utility na nagpositive. And it turns out. Nakasalamuha niya pero matagal na. Bumalik na ako sa nursing office. Nagset-up ako ng computer ko para sa assignment ko. Then dumalaw ako sa pa NICU, wala na si baby, yung DNR/DNI. Tinawagan ko si Mam Vie at the middle of the night. Wala pa kasi ang mga kamag-anak niya pero natawagan na ng social service nung umaga pa. Kailangan na ding dalhin ng morgue ang bangkay. Naisip ko, ang dami namang aayusin. Bumaba ako sa guard para ipaalam ang sitwasyon. Sila na ang magbabantay sa bangkay. Pagkaakyat ko ay inantok na ako. Sinubukan ko nang maidlip. Sana wala ng tawag. Biglang nag ring ang telepono. Isang beses. Nagising ako. Tinignan ko ang orasan. Eksakto. Alas tres ng umaga. Tama ba ito? Mag-isa lang ako sa nursing office. Wala namang tawag sa hotline o kaya text kaya umidlip ulit ako. Pagkagising ko ay alas sais na, ngunit wala pa ang survisor na kapalitan ko. Nagpapalit pala ng oras. Vaccination day kasi. Iniwan ko na lang sa OPD ang logbook at tinawagan ko na lang siya.

Ikaapat na gabi. Ang bubuo sa aking duty. Pagkatapos nito ay magpapaanod na ako sa dagat. Magrerecharge para sa mahabang duty sa COVID ward. Sana hindi ako supervisor. At hindi nga. Ikatlong gabi pa lang ay nag-aaya na ako ay papuntahin sa isla. Gusto ko rin naman sumama pero duty call. Nandoon na sila. Yung mga doctor. Kasama siya. Matagal kaming walang chat. Hindi din ako nagchachat. Ewan ko. Parang di ko alam kung nakakagulo na lang ako. Tumulong ako sa duty pero mas gusto niya na hands on siya. Kaya umidlip na lang ako. Pang apat ko na gabi na duty. Ginising na ako nung alas singko bente na. 

Babalik na naman ako sa isla. 

Saturday, May 22, 2021

Nakasama Ko ang mga Kaibigan Niya

Kami ay nagdesisyon na babalik kami ng isla.

Si doktora, ako at siya. 

Pagkauwi ko sa bahay ay nagmadali na ako na pumunta ng Palawan Pawnshop para magpadala kay mommy ng allowance. Manghihiram sana ako ng bike kay Amore pero dahil nga umulan at basa ang bike, pinahiram niya ako ng motor niya. Si Amore ay nagluluto ng carbonara at nagpasabay na din ng tinapay afetr ko magpadala kay mommy. Medyo matagal ang pila doon kaya parang di na din ako sigurado sa oras kung makakasabay ba ako.

Binalik ko na ang motor kay Amore. Nagsasalin na siya ng pasta sa sauce. Nagchat na Siya sa akin kung nasaan na ako. May lakad nga pala. Tinawagan ko siya. May nakasave naman pala ako ng number nya. Mas madali na kausapin siya sa number niya kaysa gumamit pa ako ng messenger. Sa bahay na nila kami magkikita-kita. Isasama niya ang dalawa niyang kaibigan.Magbabaon ako ng carbonara.

Nagmadali na ako mag-empake. Malapit na ang oras na kami ay aalis. Sumakay na ako ng tricycle at bumaba sa palengke. Nandoon na rin si doktora. Namimili siya ng kakainin namin sa isla. Limang araw ang usapan namin. Mahaba-haba din na araw yun. Marami rin kaming napamili. Medyo mabigat ang mga dalahin kaya pinalagay muna namin sa bahay Niya. Nandun na yung dalawa niyang kaibigan. Marami nang pinamili sa lamesa Nila. Dumudungaw ang aso niya sa akin at medyo hindi ako komportable kasi malaki at malakas ang tahol. Sinabi niya sa akin na maliit lang ang bangka. Nagtanong din siya kung natatakot ba ako. Mas natatakot ako sa aso niya. Gusto ko sana maglagi doon sa loob ng bahay nila kaya lang kailangan kong samahan si doktora na mamili. Pagkabalik namin sa bahay nila ay dumating na daw ang bangka. Naalala ko, wala pala akong towel na dala. Pinahiram niya ako ng face towel. Mabango. 

Maliit lang ang bangka na sasakyan namin. Kulay pula. Nung oras na iyon ay may bibilhin pa ang bangkero kaya naghintay pa kami sa kaniya. Kasabay nun ay may pasyente na positibo na binababa sa kabilang tambakan.Nagtago ako pati si doktora. Baka mapansin kami ng aming mga kaempleyado at ma issue na aalis ng town proper. Hanggang sa sila na may pasyente ay nakaalis sakay ng ambulansiya kami naman din ay bumaba na sa bangka, nilagay ang mga gamit at naglayag palayo. Kasama ko na ang mga kaibigan niya.

Nasa bandang harapan ako, pangalawa. Maganda ang panahon. Banayad ang dagat. Walang hangin. Kalmada. Derecho ang biyahe. Kakwentuhan ko ang kaibigan niya. Si Jimi. Si Jimi ay malambot. Babad sa downy. Matagal ko na siyang kakilala, nakasama ko rin kasi ang pinsan niya na si kuya Jonathan nung college. Parte si kuya Jonathan ng team sa teamwork. Simula ng umalis kami sa town proper, nagkekwentuhan na kami hanggang na tumigil ang makina sa pag-andar sa gitna ng dagat. Kinukwento niya yung mga encounter namin before sa mga sayawan sa destino. At kami ay nakarating na ulit sa isla ng Bayaca. 

Nakatayo pa rin ang mga tent na ginamit namin kahapon. Nagsabi si kuya Rex na sa taas, sa kwarto na lang niya kami matulog ni doktora. Pinahanda na rin  niya ang isang kwarto para sa kanilang tatlo. Nagluto ng hapunan at kami ay kumain na. Nagbukas ng bote ng alak at kami ay nagkwentuhan ng mga kaibigan niya. Nagpaanod sa alak at mga kwentuhan. Kasama ko na ang mga kaibigan niya. Medyo kinakabahan ako kasi pakiramdam ko para akong estranghero na kasama nila. Paano kaya kung malaman nila na gusto ko yung kaibigan nila. Paano kaya kung makita nila na kinikilig ako sa kanya. Paano ko maitatago ang nararamdaman ko sa nandiyan sila. Medyo challenging ang mangyayari. Inantok na ako.

Umakayat na ako sa taas at gising pa si doktora at kuya Rex. Sila ay nagkekwentuhan. Nasa gitnang kama nila ako. Medyo sumabay ako sa kwnwtuhan nila pero nagpaalam na ako matulog. Sabi ko, orlogs na ako. At kami ay natulog na sa kawalan. 


Sumama Siya sa Lakad ng Mga Ate

Tanghali na. Nauna na ako na pumunta ng bangka. May lakad ang team A. Kami ay pupunta sa Bayaca Island, mag-uunwind. Kasama namin ang mga doctor. Matagal ang paghihintay ko dahil nagkaroon pa ng mga meeting at pagsasaayos ng schedule ang mga kasama namin. 

Magkachat na kami ng umaga pa lang. Mayroong lakad sila ng kaniyang barkada. Kahapon ko pa sana siya gustong yayain na sumama, pero may nauna na siyang schedule. Ayaw ko naman siyang papiliin kung sino ang sasamahan niya. Nung nasa bundok na sila kung saan sila ay pumunta ay nagchat siya na maalon daw. Kailangan namin matuloy ng team dahil ito lang ang panahon na makakaalis kami sa bayan ng Culion. 

Lumagpas na ang oras ng tanghali. Magkachat kami. Nagtanong siya kung nakaalis na ba kami. Hindi pa. Inaya ko na siya ay sumama. At nagconfirm siya na sasama. Sinabi ko rin sa ate Mara Megan na ichat siya para may backup. Panghila para sumama talaga. At siya nga ay sasama. Pinaalam ko na din siya. Sa mga kasama namin na may plus one ako. Pagkalipas pa ng mahabang mga minuto dumating na si dok Alger, dahil sa mga doctor, siya na lang ang inaantay. Bumaba na ako ulit ng bangka para antayin siya. Sinabi ko na din sa kaniya kung saan siya sa bababa. May dala siyang isang case ng alak. Pinabili ko. Kausap ko pa nun si Mam Tonet nang paglingon ko ay nasa tricyle na siya, nagbabayad. Pagkalapit ko sa kanya ay nagpasalamat agad ako. Kasi sumama siya. 

Umalis na kami. Maalon. Malalaki ang alon. Hinahampas ng alon ang bangka mula sa harapan. Pumapasok ang tubig sa mga kinauupuan namin. Nasa harapan siya umupo. Ako naman ay nasa may bandang likod,harap ng bangkero. Napakalakas talaga ng alon. Para kang nasa rollercoaster at laging nababasa. Nasa unahan siya kaya basang basa siya. Hanggang sa pumasok kami sa kawa na mayroong kakalmahan ang dagat. At kami ay nakarating sa bayaca island.

Pagkarating namin sa isla ay ibinaba na agad ang mga pagkain. Gutom ang lahat. Walang pananghalian. Inaya ko na siya kumain pero parang hindi daw maganda ang sikmura niya. Hindi pala siya sanay sa alon. Kahit ang sabi ng ate Mara Megan ay sanay siya sa bangka. 

Magbilis ang oras. Ang iba ay nagluto. Kami ay naligo na sa dagat. Nagpatayo na ng mga tent. Hindi pala niya alam na kami ay magoovernight dito sa isla kaya tanghali na kami umalis. Wala siyang dalang damit. Nagsabi na ako sa kanya na may mga extra akong damit. 

Napakaganda talaga ng sunset dito sa bayaca island. Parang painting. Surreal. Binibiro nila ako na dapat kami ay magkasama habang nanonood ng sunset. Minsan naaawkward ako baka may makapuna na gusto ko siya pero yung mga maliliit na gestures niya ay hindi ko mapigilan na mapansin tulad ng pagtingin sa mga mata, pagtaas ng kilay at pagngiti.

Gabi. Tapos nang kumain. Inuman na. Naglaro kami ng concentration. Napapagod sila sa mga pinangpapagawa ko sa kanila. Mind game, unang sasabihin ang pangalan manlalaro bago ipapasa sa susunod na manlalaro. Ako ang kanilang tinitira. Ako ang pinupunterya nila. Gusto nila akong malasing. Gusto nila akong mabulok. Pero hindi sila magwawagi. Palaban kaya eto. Hindi tayo tinuruan ng sexbomb para bumawi. Hanggang sa nagpalit na ng laro, category game, na sobrang pinaglalaban ang mga sagot, tulad ng mga bagay na malambot na pinatitigas. Ulo ng baboy na nilagay sa freezer at graham cake. Not the usual answer dapat para masaya. Masaya siya. Tuwang tuwa siya sa laro. Hanggang sa napagod na ang mga manlalatro at unti-unting nawala sa lamesa. 

Kami na lang ni Dra Kring ang natira kasama siya. Gusto ko nang umuwi ng Coron. Nalulungkot na ako sa Culion. Sa lahat ng mga nangyayari na parang wala nang katapusan na kalungkutan. Gusto ko nang bumalik sa bahay. Gusto ko nang makita, makalaro at magpaligo ng mga aso. Gusto ko nang mayakap ang Mommy. Gusto ko nang umuwi. Hindi pwede. Lockdown sila. Madami ang cases. Marami ang namamatay dahil sa COVID19. 

Natulog na siya. Nagpahanda siya ng sarili niyang higaan. Medyo nag-expect ako dun na may katabi ako sa tent. 

Kinabukasan. Almusal. Maaga pa rin ako gumising. Naririnig ko ang boses niya. Nakikipagkwentuhan. 

Good morning. 

After kumain ay umakyat kami ng bundok, kasama ang dalawang doktor, si kuya Rex at siya. Titignan namin ang likuran ng isla. Matarik ang daan. Hindi naman masukal ang daan paakyat. Medyo madulas lang ang daan dahil umulan kagabi. Pagkatapos naming makita ang likod. Bumalik na kami. Naabutan namin si kuya Rex na namumutol ng mga vines. Mayroon siyang dalang gulok at palakol na para kang nasa pelikulang nasa patayan. Nakakatakot. Doon sa taas ng bundok ay may dalawang daan na pwede pagpilian kung san babalik sa harapan ng isla. Pinili namin yung daan na ang tawag ay Amihan. Matarik at madulas. Para kang nasa bangin. Mahaba ang daan pabalik. Nasa likuran siya, kasunod ako ni kuya Rex. Malayo ang agwat namin. Gusto ko rin sana magpatulong habang naglalakad pero may mga babae kasi kaming kasama kaya wag na lang. Umaambisyon. 

Pagkarating namin sa harapan ng isla ay saktong dumating ang bangka na magsusundo sa amin pabalik. Nakiusap pa kami sa bangka na maghintay muna kasi  mag-ssnorkel muna kami. Binanggit ko ulit. May extra akong damit na dala. Kagabi pa pala niya inaantay yung damit dahil hindi ko naman inaabot sa kanya. 

Kami ay lumangoy na sa dagat. Ang galing niya. Marunong siyang sumisid. Kaya niyang magpaikot-ikot sa ilalim ng dagat. Kaya niyang sumisid ng matagal. Nakakamangha siya. Kasabay namin ang ibang doktor na lumangoy sa kanto ng isla. Maganda ang ilalim ng dagat. Maraming corals. 

Pagkabalik namin ng pampang ay nagsimula na ako ng magalsabalutan ng mga gamit. Baka matagal na ang paghihintay ng bangka. Nag-uusap pala si kuya Rex at dra. Lysa na mag-stay. Magsstay din siya. Ako ay tinanong niya. Nagdadalawang isip pa ako pero dahil kasama naman siya. Sasama ako pabalik dito sa isla.













Hindi Ko Alam Ang Gagawain ko kapag Galit Ka Na

Gabi.

Maraming araw na ang lumipas. Maraming gabi na ang dumaan. 

Si Eman ay masaya. 

Si Eman ay maraming natutunan sa kanya. 

Si Eman ay namamahangha sa kakayanan niya. 

Gabi.

Sa gitna ng kwentuhan at gitna ng tawanan. 

Biglang nagbago ang hangin. 

Si Eman ay hindi mapakali. 

Si Eman ay natahimik.

Si Eman ay kinabahan. 

Nagalit ang kaibigan niya. May mga bagay na hindi nagustuhan ang kaibigan niya habang nagkekwentuhan sila. Nagbago ang kondisyon ng pangyayari. Pero hindi na iyon pag-uusapan. 

Drop it.

Huwag nang pag-usapan. Pwede naman kinabukasan. Huwag ngayong  gabi. 

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag galit ka na.

Tuesday, May 18, 2021

He Called Me BEBE and He Explained Why

     Random night. Somehow we always text everyday. Pero nung last time na nagkachat kami. On the middle of conversation, nasabi nya na, "haha oo nga bebe".

    Nagulumihanan ako. I was puzzled. Hindi ko alam ang irereply ko. Dami ko nang naisip. Na wrong send ba siya? May iba sigurong ka chat. O marami kaming kachat. Hindi naman niya ako tinatawag ng ganyan. Nalito na siya sa pag-uusap namin. Feeling ko tuloy parang ginugulo ko na lang siya. Parang papansin na lang yung dating ko. Kahit nagpapapansin naman talaga ako sa kanya. 

    Hindi na ako nagreply. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

    Kinabukasan. Nagmessage siya. Sabi niya, "ay tawa sa bebe, simba ko," lahat kasi ng kaibigan niya tawag niya bebe. Baka pati daw pati ang pari tawagin nyang bebe. 

    Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko.

Monday, May 17, 2021

My Five Days Quarantine

     Pagkatapos ng meeting namin, tinawagan na namin yung guard para masundo na ang aming team sa COVID ward. Hinatid kami sa Loyola College of Culion. Pagkarating namin sa LCC, hindi pa namin alam kung saang kwarto kami papasok. Sinubukan lang namin na pihitin yung pintuan at ito ay bukas, pagkapasok namin ay kusina na agad. May dalawang kwarto. Sinubukan namin buksan ang pinto sa gawin kanan pero ito ay nakalock. Ang kwarto namin ay sa kaliwa. May maliit na aircon doon at malaking banyo. Kami ay nasa laboratory room ng LCC. 

    Kung susumahin lahat ng araw  na magsstay kami sa LCC, nasa anim na araw. Unang gabi namin doon ay adjustment na naman. Labas ng mga gamit sa banyo, mga charger, mga pagkain. Ikot ikot sa paligid para maorient, so far okay naman, may tubig. 

    Anim na araw at limang gabi. 

    Napagusapan namin ni Mara yung tungkol sa pasyente namin na nagmental breakdown. Nagmessage kasi ang COVID ward na humingi siya ng pasenya at pasasalamat na rin dahil sa pag-alaga sa kanya. Pasenya kasi pakiramdam niya ang lahat ng pagod ay dama na niya at bilis ng mga pangyayari. Tinanong ko si Mara kung paano siya nakikipag-usap sa mga pasyente niya,  kasi ako kapag pasok ako, magtatanong lang kung ano nararamdaman, magbibigay ng gamot, kukuha ng vital signs at aalis na. Hindi ko hinahayaan magtagal sa pasyente kasi natatakot din naman ako mahawa. At ayun nga ang sabi niya, minsan umuupo pa siya sa tabi ng pasyente at huwag daw kakalimutan ang touch, paghawak,paghipo o pagtapik sa pasyente, nakakatulong. Baka nakalimutan ko na iyon kasi dahil sa pagmamadali na matapos ang lahat ng trabaho. Salamat sa pagpapaalala. Napag-usapan din namin si plus one, baka daw icouncil nya din. Sabi ko huwag niyang gawin iyon. Nabanggit nya na baka nalilito pa lang siya sa sexuality nya dahil bata pa siya, kasi okay naman siya na sumama sa akin. Nakwento ko na din na magkasama kami sa Coron for like everyday of that certain week. Nasabi ko nga na what will be the next, hanggang ganun na lang ba? nasa getting to know pa rin nga. Hay naku. Daming kwestyon sa isip na walang kalakasang loob na itanong kay plus one. Walang label. 

    Nakagawa na kami ng kwento sa aming lahat. Kami ay ang fours sisters without a wedding. Si Mara si Teddy, ako si Bobby, pinili ko daw yung pinakamaganda, si Bea, Bea Bunda. Si ate Fatima si Gabby at si ate Lalang si Alex. Napagkatuwaan din namin ang mga pangalan namin na dapat ay full name ang gagamitin lagi at hindi nickname. Mara Megan, Maria Fatima, Perla at Manuel III. All of the things para mairaos ang araw. Tumatawag din ako kay Mommy kasi start na naman ng lockdown nila at surge nila sa Coron. Tuwing hapon nanan ay nagpapapawis naman ako dahil ako ay lumaki na naman. 

     Panghuling araw ay na swab kami. Tinusok kami sa bibig at sa dalawang butas ng ilong. Naluha talaga ako. Para akong maiiyak. Salamat na lang talaga at kami ay negatibo. Nakauwi na rin sa mga kanya-kanyang tahanan. At ako naman ay hindi pa makakauwi ng Coron. 

Monday, May 10, 2021

How to be Unlikable

    At first, I like you so much. Sobrang saya ko na kapag nakakachat ka, Suntok sa buwan kapag magchachat ako at aasang magrereply ka. It felt like happiness is within reach kahit na magkalayo tayo ng lugar. Ikaw ang so much awaited reply of the year. Ikaw ang so much awaited mag update ka naman. Ikaw ang so much awaited na kamusta ka. Ikaw ang oh my gosh gusto ko sya.

    Pero ngayon napapaisip ako kung ano ba talaga? Ikaw lang naman talaga. Kaya lang, ako ba? baka hindi. Dahil wala akong alam sa iyo. Hindi naman ikaw ganoon ka open up. Ano bang gusto mo? Okay lang ba na tayo? Nalilito ako. Dapat nga clarify muna natin kung saan ba ako lulugar. Saan ba ako pupuwesto? Ano ba ako sayo? 

    Habang tumatagal, parang nawawala ang pagkagusto ko sayo. Parang nasasanay na lang ako na ganito na lang ang sitwasyon natin. Ano ba? Magtatanong ba ako sayo? Kaya lang natatakot naman ako na baka mawala. Baka hindi mapush. Hays. Nakaktakot.

Friday, April 30, 2021

Seventh Day of Duty

    Biruin mo yun, nakapitong araw na ako. Ang bilis lang ng araw. Tapos na agad ang pitong araw na duty. Palitan na namin gn shift. Pang-gabi na ako. Mahaba ang off ko like 24hours. 

    The same of the usual duty. Palabas ng mga pasyente. Sana ay wala ng toxic na admission. 

    Puro kalokohan lang ginagawa namin sa mga kasama namin. Binibiro namin siya sa nangliligaw sa kanya. Parang matatapos ang pandemya na ito na may jowa na siya. 

    Chinat ko na din yung crush ko. Napapaisip tuloy ako kung ipupush ko pa ba? May patutunguhan ba? At hanggang kailan ito. Ang dami kong tanong. Masaya pa ba? O dahil nagrerespond lang siya kaya okay na. Hays. Mahirap ang walang label, walang clarity. Hindi mo alam kung san ka lulugar at kung ano ba talaga ang gusto mong gawin. Walang plano kung saan ba papunta ito. 

    Huling gabi ng duty. Nagtantrums ang pasyente. Post cesarean section ng postibo naming pasyente. Ang dami niyang complain, sa sarili, sa sitwasyon saka sa baby nya. Hinayaan ko siyang magverbalize ng mga nararamdaman niya. Kaya lang parang sumosobra na sya. Super nag na siya. Ayaw ko ng ganun. Pinapakalma ko siya pero clouded na yung utak nya sa mga nangyayari sa kanya. Humihinga lang ako ng malalim para ako naman ang kumalma. Nabibibwiset na ako sa kanya. Tumutulo na ang pawis ko sa buong katawan ko dahil sa hazmat. Basang-basa na yung boxer ko ng pawis. Panghuling duty ko na. Nainsertan ko na siya ng heplock at nagbigay na din ako ng paracetamol intravenous sa kanya para mawala ang kirot na nararamdaman nya. Nung kay baby na ako mag-iinsert mas lalong lumakas naman ang pagsasalita niya. Doon na ako nagdecide na tumawag ng SOS. Buti na lang at hindi pa tulog yung kasama ko. Nagaptulong ako pakalmahin ang nanay. Kinausap siya. Nilabas namin yung baby. Sa hallway namin ininsertan ng intravenous fluids. Kumalma ang nanay. Nawala ang lahat ng kirot. Pinalipat ko mula sa upuan niya papunta sa kama at daliang nakatulog. Hays. Kagigil.

    Hinanapan namin ng gatas ang  baby at mabuti mayroon ang milk bank ng NICU. Sa hallway namin nilagay ang baby para ma monitor. Pinapadede namin siya gamit ang syringe. Naransan ko din na magpadighay ng baby. Nilagay ko sa balikat ko siya para dumighay. Wala ako narirnig na dighay. Pagkapaharap ko sa kanya. Bigla siya dumighay sa harap ko. Ang cute. Pero medyo may kaba ako kasi nakasama na ng nanay na postibo ang baby. Naswab naman si baby at hinihintay namin ang result. 

    After endorsement ay natulog na ako. Pagkagising ko. Negative si baby sa COVID19. Hinga ng malalim at nagpasalamat kay Lord. Tapos na ang 14days duty namin ngayong buwan.

Monday, April 26, 2021

My First Three Days of Duty

 April 23, 2021

    Morning duty ako sa schedule ngayong April. Maaga pa ako nagising at plano ko na maglakad papasok sa ospital. Nadaanan ako ng ambulansya na nagsundo ng mga frontliners. Pagkapasok dito ay hinanda ko na talaga ang sarili ko para sa mga positibo na pasyente. Mapapalaban na talaga kami sa madaming pasyente. Nawa ay hindi na magkaroon ng surge ng pasyente at hindi na kami natoxic.

    Endorsement na at para akong mag-iinformation overload sa mga endorsement na sinasabi nila. Madaming bilin at mga gagawin. Iniisip ko nga na mag meeting kami para maendorse lahat. Pero hindi nangyari. Sila ay umalis na ng tanghali, yung mga pinalitan namin. At ako ay natoxic na sa mga gagawin.

    Unang gabi pa lang ay sumakit na ang ulo sa mga pangyayari. Kaya maaga ako natulog. Ang kapalitan naman namin ay nagkaroon ng mga admission. Hindi na ako nakatulong sa kanila. Sinulit ko ang tulog ko dahil alam ko na mapapalaban na naman ako kinabukasan.

    Sumunod na araw ay adjustment pa din ng katawan ko sa duty, nagstart na din ako mag-exercise dahil mukhang lumaki na ako kakaluto ko ng pasta sa boarding house. Pinipigilan ko pa rin naman kumain ng kanin pero kapag hotdog at itlog ang ulam, parang nasasabik na ako kumain. Nagpadala pa ng chili sauce si Arcelie kaya naman ang gana ko kumain. Dapat itong mapigilan dahil lalaki ako at ayaw ko yun. 

    Sinuot ko na ang mga pantulog na binili ko kay DK para s komportableng pagtulog. Nagugulat ang mga kasamhan ko sa bago kong pantulog dahil dati yung luma kong pajama ang suot ko. Marami akong dala. 

    Ikatlong araw ay nakapag-adjust na talaga ako, parang bumagal na ang oras at pakiramdam ko ay marami na akong nagagawa.

Sunday, April 25, 2021

The Days Off Before My Duty

April 16, 2020. Handa na akong lumabas ng quarantine facilty. Ayaw pa ng mga kasamo ko lumabas kesyo gusto pa nila magpa-x-ray at diretso magpabakuna pero parang wala naman silang kinocontact na tao na mag-aasikaso ng mga gusto nilang gawin. Nagdesisyon na ako, ako na unang uuwi. Gusto ko na bumalik sa kwarto ko at mahiga ng komportable. Gusto ko nang magpalit ng damit. Damit na pangbahay. Sawa na ako sa scrub suit ko na lagi ko na lang sinususot araw-araw. At tumawag na ako sa magsusundo sa akin. Bumiyahe na ako pauwi at parang isang ghost town na ang Culion, walang tao sa paligid. Marumi ang kalsada, ang daming mga dahon na nagkalat na para bang pinabayaan na ang bayan. Nakakalungkot ang mga pangyayari. 

Nang mga sumunod na araw ay gumawa na lang ako ng sarili kong routine sa bahay. Mabobored lang ako sa walang ginagawa. Nagbasa ako ng aklat, at muntik ko ng matapos. Nanood ulit ng series ng Game of Thrones, "things I do for love" by Jaime Lannister. Hays. Napakasarap ulitin ang mga eksena nila. Ang sarap balikan ang kabaliwan sa series na ito. Kapag hapon ay nagkakapag-ehersisyo din ako at ayun na nga nasobrahan kakabuhat ng barbel. Namaga ang kanang braso ko. Hindi kasi sanay ang kanan ko dahil nga kaliwete ako. Parang limang araw din naresolve ang maga ng braso ko. May pagkakataon na nagkapag-inuman din kami. Unang gabi pa lang, nagpaalam na ako sa kasama ko sa bahay na iinom ako kasama ang kaibigan ko na medyo matagal ko nang hindi nakakasama. Mga pasaway. Lockdown na sa isang baranggay dito. Pero nagawa pa rin niyang makapuslit. May mga nayaya rin siya na kasama namin uminom. Grabe ang kaba ko kasi alam ko na bawal at baka mahuli kami. Napagbigyan din kami na bumili na alak. Buti na lang. Kailangan ko din ito para mabawasan ang lungkot at pag-iisa. Dumaan ang gabi at natapos din ng uamaga. Sumunod na inuman at kasama ang tropa, hindi ko na kinaya nag inuman kasi marami ang nakain ko nung hapon. Isinuka ko lang din naman. Gin kasi ang kanilang iniinom. Kinaya ko kaya lang naaamoy ko yung baho ng gin. Yan ang amoy ng mga pasyente ko sa ICU dati kaya pangit ang naaalala ko sa amoy ng gin. 

Araw bago ang duty ko. Bumalik galing duty ang mga katrabaho ko. Umakyat sila sa ginagawang second floor ng boarding house. Nagself isolation sila, may nahandle daw sila na malamang positibo. Medyo kinabahan ako doon. Tapos ang sabi pa nila nag level 3 sila ng PPE. Nagpakampante sila na hindi magpopositibo ang pasyente. Nung nakita nila ang xray ng pasyente, nanlumo sila sa resulta. Kaya inunahan na nila ang Infectious Nurse na mag-isolate from the community. At it turned out, positive nga  yung pasyente. May halong asar ako sa kanila na nagduty, sa panahon ngayon na marami na ang nahahawa ng COVID19, bago pa sila nagpakapakampante. Pero desisyon kasi yunh ng ground commander daw nila. Hays. 

Kaya humanda ka Eman sa duty mo. Sana ay hindi mo maranasan ang surge ng pasyente tulad ng naranasan ng kabilang team. 

Wednesday, April 21, 2021

QuaranTimang

Ewan ko ba.

Mukhang araw-araw na kami nagcha-chat pero wala namang pinatutunguhan ang mga usapan namin. 

Wala kasing label. 

Alam nyang gusto ko siya pero di ko alam kung gusto nya din ako o option lang ako dahil hindi pa siya sigurado. Hindi kaya, nakareserve lang ako, o kaya pampalipas oras nya.

Kakapost nya lang ng picture nya sa facebook at ang daming comments. Puro bebe. Naku, seselos ako eh wala namang karapatan si ako. Hirap ng kalagayan mo eman. Ano ba yan?  o ano ba yorn? 

Ang hirap pala kapag ikaw ang nauna. Naunang nagtapat ng nararamdaman, Parang ikaw yung mahina, Ikaw yung nagmamahal at parang sa huli, ikaw yung masasaktan. 

Sinubukan ko today na hindi muna siya ichat pero si puso ko, naku! umaabang-abang ng message nya kung mauuna ba siya magpaparamdam at oo nga! nagchat siya. 

Angr rupok-rupok mo. 

QuarangTanga.

Friday, April 16, 2021

Fifth Day of Quarantine 2021

 This is the last day of quarantine.

Ang araw na pinakahihintay namin. Day of swabbing. First time in forever. 

Wala akong gagawin today. Hihilata lang ako at maghihintay ng swabber tapos result.

Medyo may kaba akong nararamdaman kasi baka nagfail ang infectious control namin sa loob ng Covid ward. What if diba. Anong mangyayari? eh sunod sunod na na mga staff na nagpopositive. 

Whole day, walang ligo. Kumain at natulog.

Alas tres. Parang walang kumikilos na mga tao sa labas, Lahat ay busy. 

Pinagchat ko na yung gagawa ng request namin for swabbing, chief namin, infectious control nurse namin. Walang nagrereply hanggang sa hapon na. Dapat daw pala kapag mag-iinform sa kanila ay sesegway ka muna ng mga indirect message. Example dun sa IT namin, dapat magtatanong ka muna kung may fresh lumpia bago magtatanong kung mayroon na ba kami na request for swabbing at tapos sa infectious control nurse namin kung nakagawa na ba siya ng module nya bago tanungin kung masaswab ba kami today.

Laughtrip lang kami sa loob ng quarantine. 

Alas siyete. Nawawalan na ako ng pag-asa kung masaswab ba kami. Katext ko na din yung medtech na nagooperate ng molecular laboratory. Hangang gabi daw sila gumagawa sa dami ng mga specimen. 

Alasy otso. May dumating na na swabber. 

For the first time on forever, matutusok na ang aking ilong. Nung una, sa lalamunan, medyo kinaya pa naman ng gagreflex ko. Tapos nung sa ilong na, pagkalabas ng buds, naluha ako. Nasa 4/10 ang pain score. Para akong sisipunin after, na parang may nakabara sa ilong ko. 

Alas diyes. Lumabas na ang resulta, negative kami. Hindi muna kami umuwi. Late na din yung oras. Bukas na lang kami uuwi. 

Thank you Lord at makakauwi na din ako sa boarding house.

Wednesday, April 14, 2021

Fourth Day of Quarantine 2021

 Isang gabi na lang at makakauwi na kami. 

Maaga pa ako gumawa ng module ko sa dining area. Matagal akong tumambay doon para matapos ang module ko.

May mga bago na namang dumagdag na positive sa list of staff namin, umabot na ng admin. One thing for sure, hindi galing sa ospital ang pagkahawa ng mga tao sa virus. Galing sa mass gathering ng church. 

Hopefully magawa kami ng maaga bukas, First time ko pa naman maswab.


Monday, April 12, 2021

Third Day of Quarantine 2021

 Nakaplano na ang routine ko for today.

Gising.

Kain.

Exercise.

Ligo.

Kain.

Gawa ng module.

May mga napauwi na na mga staff pero home quarantine pa sila. Kaya kulang na ang mga staff. Tingin ko, papasukin na naman kami kung magnenegative kami. Mahihirapan na kami kunin itong quarantine day off namin. 

May nagpositve na naman na staff ng ospital, pangatlo na siya nagpositive. So far mukhang di naman from hospital ang local transmission galing sa labas. May staff kasi na umattend ng church gathering, eh may mga nakasalamuha siya na galing Busuanga at Maglalambay. May mga postive kasi doon. Kaya malaki ang tsansa na mayroon doon na positve na nakasalamuha nila. 

Kung lalabas man kami dito sa Olazabal, stay at home naman kami kasi lockdown ang bayan ng Culion.

Second Day Of Quarantine 2021

 Nagising sa Olazabal building dahil pinalipat kami kagabi.

Medyo late na ako nakatulog kagabi siguro bagong higaan na naman. Magkasaa kami ni Mara dito sa kwarto para narin kapag may online class mas mdali makapagtanong ng mga clarification. 

Gagawa na naman ng bagong routine para maging productive ang araw. Kailangang mag-aral para maubos na ang mga module na yan. Kailangan na ding maglaba dahil kulang ang damit kong dala. Dala ko pa ang mga scrub suit ko dito dahil wala na akong maisusuot. 

Wala akong maintindihan sa statistics, walang pumapasok sa utak ko. Hays.

Napapaisip din ako kung saan nakuha ng mga kasama ko yung virus. May dalawa kaming postive na handle, isa sa ICU at isa sa COVID ward. How come kaya na nahawa sila? Dalawang staff na hindi naman nakahandle ng postive. Palaisipan. Bahala na muna ang management diyan. Basta ang goal natin ay makauwi ng negative sa boarding house.

Hindi na naman ako makakauwi ng Coron, lockdown ang Culion. Balik pasuyo ulit. Nag-aalala tuloy ako kay Mommy pero okay naman siya. Tiwala lang kay Lord. Nakakalungkot, pero kailangan maging matapang at malakas ang isip para hindi panghinaan. 

Bukas ay ikatlong araw na namin. Kapit lang.

Saturday, April 10, 2021

First Day of Quarantine 2021

Pagkatapos ng meeting namin kagabi sa COVID ward ay dinala na kami dito sa Hotel Maya. 

Unang araw na ng quarantine namin.

Panibagong adjustment sa lugar na aming paglalagakan ng limang araw. 

Pagkatapos namin maexpose sa positive na patient, bibilang ng limang araw bago pa kami maswab. Hopefully ay mag-negative lahat kami. 

Kinahapunan, nabalitaan namin na may mga staff na pinasok sa ospital at subjecy for swab at later on ay napabalita na maglolockdown ang ospital.

Kinabahan na ako, marami na akong naisip kung ano ang mangyayari. May pagkakataon na hindi ako mapakali. Iniisip ko, what if kung mayroon nga silang virus. Paano na mangyayari yun?

Lockdown na ang ospital. 

Tinawagan ako ng head nami na ililipat daw kami sa Olazabal hall, dahil yung mga staff na nakasalamuha ng mga admitted staff ay ilalagay sa Hotel Maya. 

Nag-empake na kami ng gamit. 

Lumabas kami sa ng hotel at sinundo ng sasakyan. Pagkadating namin sa gate at pila ng mga kawani for contact tracing. 

Dark times. 

Parang isang madilim na panaginip ang nangyayari. Mga kaibigan at kakilala ko ang mga suspect. Nakakakaba .


-Adva Birenbaum-


Friday, April 9, 2021

Alimango Night at Dok Charlie's Crib

September 2015:
G agad kapag may padinner si Dok Charlie dito sa bahay niya, lalo na kung maulan at malamig ang panahon.
This night was alimango night, medyo marami ang huli. Busog lusog na naman ang aming tiyan. At may bagyo pa ata nung gabi na yan. Diba mam Joya?😁