Biruin mo yun, nakapitong araw na ako. Ang bilis lang ng araw. Tapos na agad ang pitong araw na duty. Palitan na namin gn shift. Pang-gabi na ako. Mahaba ang off ko like 24hours.
The same of the usual duty. Palabas ng mga pasyente. Sana ay wala ng toxic na admission.
Puro kalokohan lang ginagawa namin sa mga kasama namin. Binibiro namin siya sa nangliligaw sa kanya. Parang matatapos ang pandemya na ito na may jowa na siya.
Chinat ko na din yung crush ko. Napapaisip tuloy ako kung ipupush ko pa ba? May patutunguhan ba? At hanggang kailan ito. Ang dami kong tanong. Masaya pa ba? O dahil nagrerespond lang siya kaya okay na. Hays. Mahirap ang walang label, walang clarity. Hindi mo alam kung san ka lulugar at kung ano ba talaga ang gusto mong gawin. Walang plano kung saan ba papunta ito.
Huling gabi ng duty. Nagtantrums ang pasyente. Post cesarean section ng postibo naming pasyente. Ang dami niyang complain, sa sarili, sa sitwasyon saka sa baby nya. Hinayaan ko siyang magverbalize ng mga nararamdaman niya. Kaya lang parang sumosobra na sya. Super nag na siya. Ayaw ko ng ganun. Pinapakalma ko siya pero clouded na yung utak nya sa mga nangyayari sa kanya. Humihinga lang ako ng malalim para ako naman ang kumalma. Nabibibwiset na ako sa kanya. Tumutulo na ang pawis ko sa buong katawan ko dahil sa hazmat. Basang-basa na yung boxer ko ng pawis. Panghuling duty ko na. Nainsertan ko na siya ng heplock at nagbigay na din ako ng paracetamol intravenous sa kanya para mawala ang kirot na nararamdaman nya. Nung kay baby na ako mag-iinsert mas lalong lumakas naman ang pagsasalita niya. Doon na ako nagdecide na tumawag ng SOS. Buti na lang at hindi pa tulog yung kasama ko. Nagaptulong ako pakalmahin ang nanay. Kinausap siya. Nilabas namin yung baby. Sa hallway namin ininsertan ng intravenous fluids. Kumalma ang nanay. Nawala ang lahat ng kirot. Pinalipat ko mula sa upuan niya papunta sa kama at daliang nakatulog. Hays. Kagigil.
Hinanapan namin ng gatas ang baby at mabuti mayroon ang milk bank ng NICU. Sa hallway namin nilagay ang baby para ma monitor. Pinapadede namin siya gamit ang syringe. Naransan ko din na magpadighay ng baby. Nilagay ko sa balikat ko siya para dumighay. Wala ako narirnig na dighay. Pagkapaharap ko sa kanya. Bigla siya dumighay sa harap ko. Ang cute. Pero medyo may kaba ako kasi nakasama na ng nanay na postibo ang baby. Naswab naman si baby at hinihintay namin ang result.
After endorsement ay natulog na ako. Pagkagising ko. Negative si baby sa COVID19. Hinga ng malalim at nagpasalamat kay Lord. Tapos na ang 14days duty namin ngayong buwan.