Matagal ko na siyang gusto.
Una ko siyang nakita sa paaralan na nasa harapan ng ospital
na pinagtatrabahuhan ko. Isa pa siyang estudyante noon sa college at volunteer
naman ako sa ospital. Minsan ko na din siyang tinanong sa supervisor ko kung
sino siya. Ang sagot ng supervisor ko ay huwag siya.
Dumaan ang taon at ako ay nahumaling sa badminton. Lagi ako
naglalaro nun at minsan ay isinama siya ng aking kaibigan para makipaglaro.
Medyo umiiwas ako dahil nga na ayaw ko na maipakita na may gusto ako sa kanya.
Mabait siya at mukhang madaling pakisamahan. Hindi na ako nagbigay ng motibo
kasi alam kong makakasakit ako.
Maraming taon ang lumipas at nagkatagpo ulit kamil. Dito sa
Culion, sa isang birthday party. Medyo nagkaroon kami ng uportunidad na
magkausap at magkabiruan. Nakakahiya pero sinunggaban ko na ang pagkakataon na
iyon.
Pagkatapos ng gabi na iyon at nagsimula na kami magkachat sa
messenger at ako ay tuwang-tuwa. Walang halos paglagyan ang aking kasiyahan.
Lagi siyang nang-iivite na kami mag-inuman at medyo napagastos na nga ako para
lang makita at makasama ko siya.
Lumaki ang circle of manginginom namin, marami na ang
nainvite kasi di lang naman ako ang nakakainuman niya. Hanggang sa mga huling
araw na paalis na siya.
Nagkayayaan na uminom kami. May kasama pa kaming isa. Sa
dating pwesto, sa kalsada. Hanggang sa maubos na namin ang inumin. Wala ng
ibang mapupuntahan kaya naisip ko sa bahay na lang. Nung papunta na kami sa
bahay nadaanan namin ang kapitbahay ko sa boarding house, babae. Inaya na namin siya uminom. At pagkadating
namin sa bahay ay inihanda ko ang aming pag-iinuman. Sinundo ko pa ang babae sa
bahay na inuupahan niya para makasabay sa inuman namin.
Mabilis lang dumaan ang oras. Puro kwento, puro tawanan. Maya-maya
pa ay sila na ang magkatabi, ang crush ko at ang babae. At katabi ko na yung
isang kasama namin. Nagsimula na silang maghalikan. Ako ay nasaktan. Para hindi
naman nakakahiya. Nagkunwari kami ng isa naming kasama na naghahalikan. Ngunit hindi
ko naman tinotoo. Pumunta sila sa likod ng boarding house ko at hindi ko na
alam kung anong ginawa nila. Pinauwi ko na yung kasama namin. At pumasok na ako
sa kwarto. Maririnig ang unggol ng babae mula sa likod-bahay. Kaunting sandali
lang ay pumasok na sila ng bahay. Sa kwarto ko, doon sila nakitulog. Tumabi sa
akin yung crush ko, pero nagsalita ang babae na kung hindi siya ang tatabihan
ng crush ko ay hindi na niya matitikman ang babae. Sakit. Saklap. Pinababa ko
na si crush kasi nakakahiya naman sa babae diba?
Maaga ako nagising kahit hindi naman ako nakatulog. Habang sila
ay mahimbing. Naligo na ako at pumasok ng maaga sa hospital. Nagulat ang mga
katrabaho ko kasi sobrang aga ng pagpasok ko. Tinatanong nila kung ano ang
nangyari. Hindi detalyado pero nagbibigay ako ng paunti-unting kwento. Nasaktan
talaga ako. Nagchat si crush nung umaga na umalis na daw sila. Hindi ko na siya
nireply.
Nang mga sumunod na araw may nagkwento sa akin na hindi lang
yun ang una na ginawa nila ang pangyayari na iyon. Napakatanga ko na hindi ko
man lang nalaman o kaya ay napansin na meron na palang nangyari sa kanila sa tapos
sa bahay ko pa talaga nila ginawa ang sumunod ng walang paalam. Sakit naman
nun.
Simula nung umalis siya at bumalik ulit dito sa isla ay
hindi na ako gumagawa ng paraan para magkakomunikasyon kami. Masyado akong
nasaktan sa taong hindi alam na nakakapanakit na pala sila.