Friday, November 8, 2019

Tinikman Niya Yung Crush Ko


Matagal ko na siyang gusto.

Una ko siyang nakita sa paaralan na nasa harapan ng ospital na pinagtatrabahuhan ko. Isa pa siyang estudyante noon sa college at volunteer naman ako sa ospital. Minsan ko na din siyang tinanong sa supervisor ko kung sino siya. Ang sagot ng supervisor ko ay huwag siya.

Dumaan ang taon at ako ay nahumaling sa badminton. Lagi ako naglalaro nun at minsan ay isinama siya ng aking kaibigan para makipaglaro. Medyo umiiwas ako dahil nga na ayaw ko na maipakita na may gusto ako sa kanya. Mabait siya at mukhang madaling pakisamahan. Hindi na ako nagbigay ng motibo kasi alam kong makakasakit ako.

Maraming taon ang lumipas at nagkatagpo ulit kamil. Dito sa Culion, sa isang birthday party. Medyo nagkaroon kami ng uportunidad na magkausap at magkabiruan. Nakakahiya pero sinunggaban ko na ang pagkakataon na iyon. 

Pagkatapos ng gabi na iyon at nagsimula na kami magkachat sa messenger at ako ay tuwang-tuwa. Walang halos paglagyan ang aking kasiyahan. Lagi siyang nang-iivite na kami mag-inuman at medyo napagastos na nga ako para lang makita at makasama ko siya. 

Lumaki ang circle of manginginom namin, marami na ang nainvite kasi di lang naman ako ang nakakainuman niya. Hanggang sa mga huling araw na paalis na siya.
Nagkayayaan na uminom kami. May kasama pa kaming isa. Sa dating pwesto, sa kalsada. Hanggang sa maubos na namin ang inumin. Wala ng ibang mapupuntahan kaya naisip ko sa bahay na lang. Nung papunta na kami sa bahay nadaanan namin ang kapitbahay ko sa boarding house, babae.  Inaya na namin siya uminom. At pagkadating namin sa bahay ay inihanda ko ang aming pag-iinuman. Sinundo ko pa ang babae sa bahay na inuupahan niya para makasabay sa inuman namin.
Mabilis lang dumaan ang oras. Puro kwento, puro tawanan. Maya-maya pa ay sila na ang magkatabi, ang crush ko at ang babae. At katabi ko na yung isang kasama namin. Nagsimula na silang maghalikan. Ako ay nasaktan. Para hindi naman nakakahiya. Nagkunwari kami ng isa naming kasama na naghahalikan. Ngunit hindi ko naman tinotoo. Pumunta sila sa likod ng boarding house ko at hindi ko na alam kung anong ginawa nila. Pinauwi ko na yung kasama namin. At pumasok na ako sa kwarto. Maririnig ang unggol ng babae mula sa likod-bahay. Kaunting sandali lang ay pumasok na sila ng bahay. Sa kwarto ko, doon sila nakitulog. Tumabi sa akin yung crush ko, pero nagsalita ang babae na kung hindi siya ang tatabihan ng crush ko ay hindi na niya matitikman ang babae. Sakit. Saklap. Pinababa ko na si crush kasi nakakahiya naman sa babae diba?

Maaga ako nagising kahit hindi naman ako nakatulog. Habang sila ay mahimbing. Naligo na ako at pumasok ng maaga sa hospital. Nagulat ang mga katrabaho ko kasi sobrang aga ng pagpasok ko. Tinatanong nila kung ano ang nangyari. Hindi detalyado pero nagbibigay ako ng paunti-unting kwento. Nasaktan talaga ako. Nagchat si crush nung umaga na umalis na daw sila. Hindi ko na siya nireply.

Nang mga sumunod na araw may nagkwento sa akin na hindi lang yun ang una na ginawa nila ang pangyayari na iyon. Napakatanga ko na hindi ko man lang nalaman o kaya ay napansin na meron na palang nangyari sa kanila sa tapos sa bahay ko pa talaga nila ginawa ang sumunod ng walang paalam. Sakit naman nun.
Simula nung umalis siya at bumalik ulit dito sa isla ay hindi na ako gumagawa ng paraan para magkakomunikasyon kami. Masyado akong nasaktan sa taong hindi alam na nakakapanakit na pala sila.


Thursday, November 7, 2019

Trenta Na Ako


November 8, 2019
                I am now 30 years old, and what the hell I am doing now? I have a stable job as a nurse, a circle of good friends and a health mom. I am now finishing my house and putting it all together.
                But still, I am lacking of something, or maybe someone. Is it a family that I can call my own? But I still am having trouble with my finances and bills.
                Iniisip ko na umalis na dito sa Culion para naman magkaroon ako ng ibang environment at magkaalis na din sa katoxican ng mga tao dito. Napapagod na ako sa mga binibigay na wrokload nila sa akin.
                Napapagod ba talaga ako o tinatamad na ako?
                Ewan ko.
                Parang hindi umuusad ang buhay ko. Sobrang relax lang ako. Living comfortably ob my own. mayroon akong boarding house na ako lang mag-isa. Nood ng movie, exercise pabahgya at matulog. Hindi masyado iniisip ang problema. At tinatakasan ko. Naisip ko na isang escape ang Culion sa akin. Pwedeng ako lang mag-isa na walang pakialam sa lahat at hindi pinakikialaman ng lahat. Unless umalis ako ng boarding house.
                Sobrang tinatamad na din ako dito sa boarding. Yung walang drive na gumawa ng kung ano. Ang dami kong naiisip pero hindi ko naman kayang ipatupad. Hays.
                Ewan ko na lang din.
                Dapat araw-araw ako na nagrereview if gusto ko talagang mag-abroad.
                Gusto ko ba talaga na mag-abroad?
                Ewan.
                Trenta na ako pero parang hindi pa rin ako marunong sumagot sa mga sarili kong katanungan.