Monday, October 17, 2016

When In Pass Island

Minsan naisip ko na lumayo na lang sayo upang hindi ko na makita.
Marinig ang mga pagsisinungaling mo.
Minsan pa ay sinabi mo na wala kang iba.
Na wala kang ibang pinopormahan.
Minsan ay nagwika ka ng walang ibang iniirog.
Na walang ibang iniibig.
Hindi ba mas pinili mo pa nga na tumambay sa kanya kesa sa akin?
Wala naman akong magagawa kung sa kanya ka sasaya.
Sa akin laman ay huwag mo nang ipagdiinan.
Ipadama.
Ipakita.
Iparinig.
Na hindi talaga tayo sa isat-isa.


Wednesday, October 12, 2016

Naiilang ako.

naiilang na ako na kausapin ka.
dahil sa tuwing lalapit ka ay nananahimik ako.
hindi ko alam kung pano makikipag-usap na sa iyo.
ayaw na kitang makita.
ayaw na kitang makasama.
dahil naiilang ako.
dahil nagagalit pa rin ako.
dahil naaasar pa rin ako.
na sa kanya ka tumigil, nagpalipas ng oras at hindi sa akin.
dahil kapag kasama mo siya marami kayong nag-uusapan at kung tayo naman ay kakaunti lamang at paulit-ulit pa.
naiilang ako kanina nang pumunta ka sa akin.
wala akong masabi na mabuti kundi selos sa kanya.
selos na hindi ko naman dapat nadadama.
dahil walang  tayo at baka mayroon na kayo.
naiilang ako dahil may gusto na ako sa iyo.

Tuesday, October 11, 2016

Maulan. May Payong Ako.

Natapos ng maaga ang aking duty sa surgical ward, dumating na kasi ang kapalitan ko kaya maaga ang pag-endorse ko ng mga pasyente. Alam kong narito pa siya sa ospital at alam ko kung saan siya matatagpuan. Hinintay ko saglit ang aking kasama na nursing attendant para sabay na kami bumaba. Dumaan kami sa private ward.
Doon nga siya. Hinihintay niya ang isang nurse na babae para sumabay pauwi. Hindi pa tapos mag endorse ang nurse na babae. Doon siya tumambay nung wala na siyang ginagawa sa operating room. At ngayon ay kasama na ako sa paghihihtay sa nurse na babae. Naroon  din ang mga iba pang nurse attendant. Binibiro nila ako. Dahil alam nila na nasasaktan ako. Minsan pala kahit nakakatawa ang sitwasyon, masakit din pala.
Umuulan. May payong ako. Wala siyang payong. Mukhang wala ring payong ang babaeng nurse. Binibiro ako ng mga nurse attendants na hihiramin niya ang payong at papayongan ang babaeng nurse habang ako ay mababasa ng ulan. Ang sakit isipin para sa akin at masayang tampulan para sa kanila. Dumating ang nurse supervisor namin. Naabutan niya kami. May dala siyang kapote. Biniro ulit nila ako, ng mga nursing attendants. Hihiramin ko raw ang kapote at siya kasama ang babaeng nurse ay magpapayong gamit ang payong ko. Malakas ang tawanan nila. Malakas na tawanan, na gustong kong sabayan ng sigaw, ng iyak na para ipaalam sa kanila na masakit na, na mahirap ng huminga, na puputok na ang mga mata ko sa luha. Gusto kong ipaalam sa kanila, na tama na, masakit na, na nakakasakit na sila, Bakit? Bakit masakit?
Bumaba na kami ng private ward. Nauna silang bumaba. Nahuli ako. Lagi naman akong nahuhuli. Dahil hindi ko kaya ang mauna. hanggang sa pagbaba namin ng private ward, binibiro pa rin ako. Kung anong hopia ako, baboy o munggo? Ube. Isang ube. Ubeng halaya.
Huminto kami sa harap ng ospital. Dahil gusto ng babaeng nurse ng magpahatid sa ambulansya. Medyo maulan. May payong ako. Mukhang wala payong ang babaeng nurse. Wala siyang payong. Tinanong nya ako, kung sasabay ba kami sa ambulansya. Sa isip ko, bakit ako sasabay sa ambulansya? may payong ako. Kaya ko naman maglakad. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Pero magkasabay kasi kami uuwi. Iisa lang ang dadaanan namin. Hanggnang ngayon naghihintay kami. Napasama ako sa paghihintay. Inuubos ko ang oras ko sa paghihintay sa babae nya. Dahil sa kagustuhan niyang maihatid ang babaeng nurse. Pwede naman akong umalis. Kaya lang hindi ko magawa dahil nga magkasabay kaming uuwi.
Mabuti na lang at may makakasabay ang babaeng nurse dahil may isang nursing attendant na may motor. Ang nursing attendent na iyon ay dadaan malapit sa tirahan ng babaeng nurse. Ang babaeng nurse ay sumakay na sa motor ng nursing attendant. May payong pala ang babaeng nurse. Ibinuklat niya ang payong niya at sumakay ng motor. Umalis na ang babaeng nurse.
Naglakad kami. Pinayungan ko siya. Umaambon na. Binanggit nya na mukhang walang ilaw ang motor ng nursing attendant. Nag-aalala siya sa babaeng nurse. Nasaktan ako. Nagalit ako. Pero hindi ko maipakita, masabi sa kanya dahil hindi ko kaya. Nagsabi na lamang ako na habulin mo kaya, ilawan mo sila. Sana ipinadala mo na lang ang cellphone mo at pinagamit upang pailaw nila. Nagagalit ako. Nagagalit ako dahil nasasaktan ako. naglakad kami. Pauwi. Maambon. Nagkukwento siya. Nagtatanong din siya. Ayoko siyang makausap. Nagagalit ako. Nagagalit ako ng hindi niya nalalaman. Magaling akong magtago. Magtago ng aking nararamdaman. Nakikipag-usap naman ako pero paunti-unti lamang ang sagot ko. Gusto kong sabihin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko kaya. Mahina ako.
Naghiwalay na kami ng malapit ng kami sa tirahan namin. Nagpaalam na kami sa isat-isa. Nasasaktan pa rin ako.


Wednesday, October 5, 2016

About the Blogger.

Hi.
Iam Eman.
Manuel A. Sarmiento III,
From Coron, Palawan.
Staying now at Culion, Palawan.
Iam a nurse.
Iam now practicing nursing here at Culion Sanitarium and General Hospital.